TAU - LS Social Science Club

TAU - LS Social Science Club

Share

30/12/2025

Sa paggunita natin ngayong ika-30 ng Disyembre, binibigyang-pugay si G*t José Rizal, ang pambansang bayani na nag-alay ng kanyang buhay at talino para sa kalayaan ng Pilipinas. Sa halip na armas, ginamit niya ang panulat upang ipahayag ang katotohanan at gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Ang kanyang mga isinulat at ipinamalas na prinsipyo ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon hanggang sa kasalukuyan at nagsisilbing paalala na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nagmumula sa tapang, kaalaman, at paninindigan.

🖌️: Jamaica Bornilla

10/10/2025

Sometimes, it feels like we’re drowning in silence—unheard and unseen. But remember: you are not alone.

Take a moment to check in—with yourself and others. Mental well-being matters, and seeking help is strength, not weakness.

You matter—always have, always will.

21/09/2025

Sa dilim ng nakaraan, may bakas ng pangamba,
ang tinig ng tao’y pinatahimik, pinaghigpitan ang kalayaan.
Ngunit sa puso ng kabataan, patuloy ang panawagan—huwag na muling maulit ang madilim na yugto ng kasaysayan.

Noong Setyembre 21, 1972, pinirmahan ang Proclamation No. 1081 na nagpasailalim sa bansa sa Batas Militar. Makalipas ang dalawang araw, Setyembre 23, idineklara ito ni Ferdinand Marcos sa telebisyon. Pinatahimik ang sambayanan, inalis ang kalayaan, at takot ang bumalot sa lipunan.

Ngayon, sa paggunita ng ika-53 anibersaryo ng Batas Militar, hindi lang petsa ang ating inaalala, kundi ang aral na hatid nito—na ang kalayaan ay madaling mawala at ang demokrasya ay dapat laging pinangangalagaan at ipinaglalaban.

Huwag na muling maulit.

✍️: Charrine Mariano
🎨: Evanah Avril Salcedo

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Camiling?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Camiling
2306

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm