TAU LS - Filipino Club
24/11/2025
Alam mo ba?
Ang salitang "Padayon" ay mula sa Bisaya na ang ibig sabihin ay "magpatuloy ka" o "kaya mo 'yan". Mahalagang marinig natin ito sa oras na malapit na tayong sumuko sa ating buhay. Mga panahong mahirap nang abutin ang ating mga pangarap.
Gayunpaman, kaakibat din nito ang salitang "pahuway" na mula sa Cebuano na may ibig sabihin namang "pahinga". Katulad ng isang sasakyan na nauubusan ng gasolina sa bawat paglalakbay na tinatahak, ang lakas natin ay mayroon ding hangganan at kinakailangang mapunan sa tamang sandali.
Kaya ngayong nalalapit na ang ating mga pagsusulit, magpatuloy tayong paningasin ang apoy na gumagabay sa ating pagtakbo. Walang titigil, walang maiiwan sa paglalakbay, susulong ang bawat isa.
Padayon sa ating lahat at huwag kalilimutan ang pahuway!
Mula sa Filipino Club 🤎
06/09/2025
Ngayong buwan ng Agosto, sama-sama nating ipinagdiwang ang kahalagahan ng wikang Filipino at ang ating kasaysayan sa isang makabuluhang pagtitipon. Sa bawat tawa, palakpakan, at kwento ng ating pagkakabuklod, muling napatunayan na ang wika ay hindi lamang salita — ito ay buhay, at pagkatao ng bawat Pilipino.
Narito ang mga litratong nakalap sa isinagawang kaganapanan noong Agosto 28-29, 2025.
Sa ngayon, amin nang ibinababa ang banderitas na sumisimbolo sa masasayang alaalang ating nabuo. Ang Piyesta sa Nayon ay tuluyan nang nagtatapos sa sandaling ito. Hanggang sa muli, LSians!
(Unang Bahagi)
✍🏼: Jheann Sumaoang at Alyannah Sy
🖌️: Renalyn Felipe, Jheann Sumaoang, at Alyannah Sy
🎥: Cleyen Vibar, Jay Marc Bandales, Princess Eliza Rentillosa, Judeah Pascual, Maxine Oasin, Jheann Sumaoang, Luzsie Santiago, at Jan Arnold Abrazado
02/09/2024
Nitong Buwan ng Wika at Kasaysayan, nakalikom tayo ng maraming magagandang alaala, at ngayon ay oras na para isara ang Labskul sari-sari store. Maraming salamat sa pagtangkilik nito, LSians!
Narito ang mga larawan mula sa kaganapan na isinagawa noong Agosto 27-29, 2024. Ang mga patimpalak na naganap ay ang bayani look-alike, pagsusulat ng sanaysay, quiz bee, dagliang pananalumpati, poster making, palarong lahi, at sabayang pagbigkas.
Dito nagtatapos ang makulay na pagdiriwang na ito—hanggang sa susunod na taon! Mabuhay ang ating wika at kasaysayan! 🇵🇭
[Ikatlong bahagi]
✒️: Ruth Mae Yadao
📸: David Joshua Domingo, Keyshia Loyola, Gene Cezar, Ron Silverio, Genil Dela Cruz, Mark Joseph Fajardo
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Malacampa
Camiling
2306