Poblacion Moving Forward
Public Announcement!!!
Mapagpalang araw po mga Kabarangay, bilang tulong at tugon po suliranin sa basura nakikiusap po kami na I practice ang waste segregation..
Ang mga Hindi nabubulok na basura na hinahakot Ng truck mangyaring ihiwalay po natin ang nabubulok sa hindi nabubulok.
Wag po sana natin haluan Ng nabubulok ang kinokolekta Ng truck dahil iba po ang pinaglalagakan nito.
Ang mga nabubulok na basura naman ay kinokolekta naman po Ng ating Eco Boy at dinadala sa MRF upang iproseso.
Maraming Salamat po...
30/01/2026
Sa may Ari Ng sasakyan na to.Me nakapaskil Ng NO PARKING!!!!
Hindi po ba tau marunong mag basa???
Hintayin nyo na lang notice nyo!!!
Paulit ulit na lang ehh...
24/01/2026
Aaga minamahal pong mga Senior Citizens Ng Brgy. POBLACION!
Magsasagawa po Ng Eleksyon Ng Panguluhan Ng Senior Citizen sa ika 28 Ng Enero, 2026 ika-8:00 Ng Umaga sa barangay hall Ng Poblacion...
Ang mga alituntunin ay Ang sumusunod:
Maraming Salamat po...
12/01/2026
Paulit ulit na lang po nag papaalla at paulit ulit din po kayo nag papark sa mga Lugar na hindi puede....
Next po may letter na kayo sa windshield nyo!!!!
Hanapan nyo po Ng ibang parking ung sasakyan nyo!!!
May Ordenansa po ang barangay ukol Dito at may umiiral na road clearing!!!
09/01/2026
Dahil po nagkaroon Ng kaunting suliranin ang transfer station kung saan itinatapon ang mga nakokolektang basura, ay nagkaroon Ng inisyatibo si Kap. Rowel P. Cayas na hakutin Muna Ng barangay ang mga basura na nakalabas at ilagak pansamantala sa likod Ng barangay hall.
Ngunit kanina po sa tulong Ng Menro Calumpit ay nahakot na po ito.
Sa mga susunod na mga hakot po ilabas lamang po ninyo ang inyong mga basura tuwing lunes at huwebes Ng Umaga na schedule Ng Poblacion.
Ugaliin din po natin na isegregate ang nabubulok mula sa d nabubulok Ng sa gayon ay mabawasan ang mga basura na kinokolekta.
Maging bahagi po tayo Ng solusyon Lalo na kaugnay sa basura.
Maraming Salamat po!!!
30/12/2025
Tingnan buong puwersang nakikiisa ang bumubuo Ng Sanguniang Barangay Ng Poblacion sa pangunguna ni Kap. Rowel P. Cayas at mga Volunteers sa pagdiriwang Ng ika-129th na taon ng pagka martyr ni Dr. Jose Rizal kasama din sa okasyon ang Pamahalaang Bayan Ng Calumpit na siyang punong abala sa paghahanda sa araw na ito.Nagbigay naman Ng kanyang mensahe ai Vice Mayor Zar Candelaria at iba pang piling panauhin sa selebrasyon .
Pabatid sa Madla!!!
Simula po sa Enero 2026 ay magsisimula na pong mas magiging na ipatupad ang mga Ordenansa na ipinasa Ng Barangay Poblacion.
Ang mga Ordenansa ay ipapaskil sa mga hayag na Lugar para sa kaukulang pagtalima...
Maraming Salamat po
07/11/2025
BARANGAY ADVISORY 🌧️
📅 November 7, 2025
Magandang araw po sa lahat ng aming mga kabarangay. Ayon sa ulat ng PAGASA at NDRRMC, inaasahan ang pagdating ng malakas na bagyo sa mga susunod na oras/araw. Kasabay nito, nagpawala na rin ng tubig ang Angat Dam, kaya inaasahan ang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog at mabababang lugar.
📣 PAALALA SA PUBLIKO:
⚠️ Maging alerto at handa sa posibleng pagbaha.
⚠️ Ihanda ang mga mahahalagang gamit at dokumento sa waterproof na lalagyan.
⚠️ Makinig sa mga anunsyo mula sa mga opisyal na ahensya.
⚠️ Kung kinakailangan, makipag-ugnayan agad sa Barangay Hall para sa posibleng pre-emptive evacuation.
🙏 Tayo po ay mag-ingat, maging alerto at magtulungan para sa kaligtasan ng lahat.
31/10/2025
Sa kabila Ng banta sa kaligtasan binawasan na po Ng mga kawani Ng Barangay ang mga nakalaylay na mga sanga at dahon sa Del Pilar St. ngunit limitado lamang po ang maaring matabas dahil maaaring delikado ito dahil sa mga kawad Ng kuryente.
Ito po ay ipinaabot na ng tangapan Ng Barangay Ng Poblacion sa pangunguna ni Kap. Rowel P. Cayas sa MERALCO upang mas malinis at maputol ang iba pang mga sanga na nakalaylay sa kawad Ng kuryente...
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
JP RIZAL Street
Calumpit
3003