Today's Prayer

Today's Prayer

Share

30/04/2026

๐‘ซ๐‘จ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ท๐‘ฐ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฐ ๐‘บ๐‘จ๐‘ต ๐‘ฑ๐‘ถ๐‘บ๐‘ฌ ๐‘ด๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ฎ๐‘จ๐‘พ๐‘จ

Panalangin kay San Jose Manggagawa

San Jose Manggagawa,
Huwaran ng mga manggagawa at mapagkumbabang ama,
Ipanalangin mo kami sa Diyos na gawing banal ang aming paggawa.

Tulungan mo kaming maging tapat, masipag, at mapagpasalamat
Sa bawat biyayang aming tinatanggap.
Patnubayan mo ang aming mga kamay,
Upang ang aming trabaho ay maging daan ng kabutihan
Para sa aming pamilya at kapwa.

San Jose Manggagawa, ipanalangin mo kami.
Amen.

28/08/2025

โ€ŽSi Aurelius Augustinus Hipponensis, Agustin ng Hipona, o San Agustin (Nobyembre 13, 354 โ€“ Agosto 28, 430) ay isang pilosopo at teologo, at naging obispo ng Hilagang Aprikang lungsod ng Hippo Regius sa kanyang huling kakatlong bahagi ng kanyang buhay. Si Agustin ang isa sa mga mahahalagang pigura sa pagsulong ng Kanluraning Kristiyanismo, at tinuturing na isa sa mga ama ng simbahan. Binuo niya ang mga konseptong orihinal na kasalanan at matuwid na digmaan.
โ€Ž
โ€ŽPANALANGIN KAY SAN AGUSTIN NG HIPPONA
โ€Ž
โ€ŽO San Agustin, pinili ka ng Amang Lumikha upang maging G**o ng pag-ibig, ilaw ng mga mangangaral at mag-aaral, Pantas ng Simbahan, haligi ng Santa Iglesia, tagapagtanggol ng pananampalatayang Kristiyano at kalasag laban sa mga kaaway.
โ€Ž
โ€ŽHayaan mong matularan ko ang iyong halimbawa ng pagbabalik-loob sa Diyos upang ako rin ay makatamasa ng matuwid na landas tungo sa kaginhawahang walang katapusan upang ang puso ko ay pamahayan ng Banal na Santatlo.
โ€Ž
โ€Ž(banggitin ang kahilingan)
โ€Ž
โ€ŽNawaโ€™y maisabuhay ko ang halimbawa mo, o aking patrong San Agustin, upang ang aking napapagal na puso ay makasumpong ng kapayapaan at magalak sa pag-ibig ng iisang Diyos.
โ€Ž
โ€ŽAmen.
โ€Ž
โ€ŽSan Agustin ng Hippona, ipanalangin mo kami!

Viva San Agustin ng Hippona!




โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

25/07/2025

Si Apostol Santiago ay isa sa mga 12 apostol ni Jesus Cristo. Siya ang anak ni Zebedeo at si Salome, at kapatid ni Juan. Tinawag siya ni Jesus kasama ang kanyang kapatid na si Juan upang maging mga apostol niya. Si Santiago ay kilala bilang "Boanerges" o "mga anak ng kulog" dahil sa kanyang maapoy na personalidad.

Si Santiago ay isa sa mga pinakamalapit na apostol ni Jesus, kasama sina Pedro at Juan. Siya ay nakasaksi sa mga mahahalagang pangyayari tulad ng pagbabagong-anyo ni Jesus sa bundok at ang pananalangin ni Jesus sa hardin ng Gethsemani.

Si Apostol Santiago ay ang unang apostol na namatay bilang martir. Siya ay pinugutan ng ulo ni Haring Herodes Agripa I noong taong 42 o 44 AD. Ayon sa tradisyon, ang kanyang labi ay inilipat sa Santiago de Compostela, Espanya, kung saan ito ay naging isang mahalagang lugar ng pilgrima para sa mga Kristiyano.

26/07/2024

Verse of the Day

โ€œWhen the time is right, I, the Lord, will make it happen.โ€

Isaiah 60:22

01/05/2024

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž, ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š | ๐“œ๐“ช๐”‚๐“ธ 1

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ, ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

O aming ulirang San Jose
Patron ng Santa Iglesia, patron ng mga manggagawa
Sa iyong bisig iyong inalagaan si Hesus at si Maria.

Sa iyong bisig, tulad ng ibang mga ama at manggagawa ay bumuo ng mabuting pamayanan at tahanan.

Tuwina'y idalangin mo kami sa iyong Anak.
Na sana'y kami'y alagaan dito sa aming buhay.

Gayon din iyong ipagsanggalang ang mga manggagawa, mga taong tumutulong upang bumuo ng isang masayang at maunlad na bansa. Amen.

๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฑ๐’๐’”๐’†, ๐‘ด๐’‚๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช.

Maligayang Kapistahan San Jose Ang Manggagawa!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Calumpit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Frances, Bulacan
Calumpit
3003