KDF Calumpit 2024

KDF Calumpit 2024

Share

Photos from KDF Calumpit 2024's post 23/05/2026

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—™๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—–๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.๐Ÿงก

Proyekto ng Local Youth Development Office - Calumpit katuwang ang iba't ibang mga organisasyon sa Bayan ng Calumpit .

Maraming Salamat sa ating Ina ng Bayan, Mayora Lem Faustino sa palagaiang pagsuporta para sa Kabataang Calumpiteรฑo.

20/05/2026

Malugod nating binabati si Kgg. Arjay Romero sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong SK Chairman ng Brgy. Calumpang! ๐ŸŽ‰

Nawaโ€™y maging gabay ang iyong dedikasyon at malasakit sa kabataan upang mas lalo pang umunlad at maging mas aktibo ang ating komunidad. Suportado ka namin sa iyong bagong tungkulin.

Congratulations at mabuhay ka, SK Chairman Arjay Romero ! ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

PAGBATI Mula sa iyong KDF CALUMPIT FAMILY.

20/05/2026

PAGPUPUGAY AT PASASALAMAT ๐Ÿ•Š๏ธ

Isang mabigat na pagkawala ang ating naranasan sa pagpanaw ng ating minamahal na Municipal Coordinator ng Damayang Filipino Movement Inc.

Ang kanyang buhay ay naging huwaran ng serbisyong may puso, bayanihan, at tunay na malasakit para sa kapwa. Sa bawat proyekto, sa bawat pagtitipon, at sa bawat misyon, kanyang ipinakita ang walang sawang dedikasyon upang maitaguyod ang mas maayos at mas makataong pamayanan.

Lubos ang ating pasasalamat sa kanyang naging ambag, at mananatili siyang inspirasyon sa lahat ng kasapi ng kilusan. Ang kanyang alaala ay magsisilbing gabay upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan na isang pamana ng pagmamahal at pagkakaisa para sa bayan.

Nawaโ€™y ang kanyang kaluluwa ay magpahinga sa kapayapaan, at ang kanyang alaala ay patuloy na magbigay ng lakas at pag-asa sa ating lahat. ๐ŸŒน

20/05/2026

๐—–๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—™๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—–๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—– ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.๐Ÿงก Patuloy nating sinusuportahan ang mga programang magbibigay ng oportunidad upang mapaunlad ang kakayahan at talento ng mga kabataang Calumpiteรฑo.

Kasama ang Local Youth Development Office (LYDO), inaanyayahan natin ang mga Calumpiteรฑo na makiisa sa gaganaping CalumFIT Summer Sports Clinic 2026 sa darating na May 22โ€“23, 2026, alas-8 ng umaga sa Calumpit Municipal Covered Court.

Bukas ito para sa mga edad 10 hanggang 30 taong gulang, anuman ang kasarian, bastaโ€™t residente ng Bayan ng Calumpit. Tampok sa sports clinic ang Volleyball para sa Men at Women Division, gayundin ang Chess.

Para sa registration, i-scan lamang ang QR Code na makikita sa larawan o i-click ang registration link na ito https://tinyurl.com/CalumFITSportsClinic.

Bilang inyong Ina ng Bayan, layunin nating palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa sports, mapaunlad ang kanilang talento, disiplina, teamwork, at sportsmanship habang nagkakaroon ng mas aktibo at malusog na pamumuhay.

Photos from SK Aubrey Sabino's post 12/05/2026

TARA NA SA CAMP HARAYA! ๐Ÿ•๏ธ๐Ÿชต๐Ÿคฉ

Maging laging handa sa panahon ng sakuna! Sumama sa Camp Haraya sa darating na ika-27 hanggang ika-28 ng Hunyo 2026. ๐Ÿ“†

Kung ikaw ay isang kabataan edad 18-25, maging parte ng pagbabago para sa Bayan ng Calumpit. Magpa-register hanggang May 13 sa ating QR Code.

Proyektong handog ng Philippine Disaster Resilience Foundation at Hope Bridge Korea sa pakikipagtulungan sa SK Fed Calumpit at Calumpit Local Youth Development Office ๐Ÿงก๐Ÿค

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Calumpit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


CALUMPIT, BULACAN
Calumpit
3003