DepEd Tayo - San Marcos Elementary School

DepEd Tayo - San Marcos Elementary School

Share

26/06/2026

June 26, 2026 ✨

Maalab na pagbati sa ating batang alagad ng sining sa kanyang nakamit na tagumpay sa ginanap na Poster Making Contest ngayong araw na pinangunahan ng Municipality of Calumpit - MSWDO na may temang: "𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 π‘«π’“π’–π’ˆ π‘·π’“π’π’ƒπ’π’†π’Ž: π‘·π’†π’“π’”π’Šπ’”π’•π’Šπ’π’ˆ 𝑰𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔, π‘΅π’†π’˜ π‘ͺπ’‰π’‚π’π’π’†π’π’ˆπ’†π’”, π‘°π’π’π’π’—π’‚π’•π’Šπ’—π’† 𝑹𝒆𝒔𝒑𝒐𝒏𝒔𝒆𝒔".

πŸ†πŸ‘π«π 𝐏π₯πšπœπžπŸ†
πŸ₯‰ππ‡πŽπ„𝐁𝐄 π„π”πŒπ„π„ 𝐓. π’π€ππ“πŽπ’
πŸ‘©β€πŸ« Coach: 𝐌𝐚'𝐚𝐦 Pamela D. Baltazar

Ang iyong husay, pagkamalikhain, at dedikasyon ay tunay na ipinagmamalaki ng buong paaralan. Sa pamamagitan ng iyong obra, naipakita mo na ang sining ay makapangyarihang paraan upang maipahayag ang kamalayan at makapagbigay-inspirasyon sa ating komunidad.

Taos-puso rin naming binabati at pinasasalamatan ang iyong coach, Ma'am Pamela D. Baltazar, sa kanyang walang sawang paggabay, suporta, at dedikasyon sa paghubog ng talento ng ating mga mag-aaral.

Patuloy nawa kayong maging inspirasyon sa marami. Congratulations once again! We are so proud of you! πŸ’šβœ¨

---

ππŽπ„πŒπˆ 𝐑. 𝐂𝐀𝐏𝐀𝐑𝐀𝐒
Principal lll

𝐀𝐋𝐄𝐗𝐀𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐂. 𝐂𝐑𝐔𝐙, 𝐏𝐑𝐃
Public Schools District Supervisor

πŸ“Έ Ma'am Noemi

23/06/2026

MAHALAGANG PAALALA: ALAMIN ANG MGA DAPAT GAWIN KUNG MAY SCHOOL VIOLENCE (LOCKDOWN)

Walang puwang ang karahasan sa ating mga paaralan. Ngunit sa oras na hindi inaasahang banta sa seguridad ng lahat o school violence, mahalagang handa, kalmado, at alerto ang bawat g**o at mag-aaral upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Narito ang 9 na Hakbang sa Pag-Lockdown na dapat nating tandaan at isapuso:

1️⃣ Maging Alerto - Kung may nakitang away, barilan o anumang banta, agad na ipaalam sa pinakamalapit na g**o.
2️⃣ Pakinggan ang Anunsyo - Sundin agad ang anunsyo ng g**o o school personnel. Huwag magtanong. Huwag magpaloko.
3️⃣ Pumasok at Mag-Lockdown - Pumasok o manatili sa loob ng silid-aralan. Isara, at i-lock ang pinto. Harangan kung maari gamit ang mesa o upuan.
4️⃣ Manatiling Tahimik at Huwag Makialam - Manatiling tahimik. Huwag sumigaw, tumakbo, at huwag lumabas. Huwag makialam sa nangyayari sa labas.
5️⃣ Manatiling Nakatago at Lumayo sa Bintana - Lumayo sa pinto, bintana at labas ng silid. Yumuko o magtago sa ligtas na lugar.
6️⃣ Wag Gamitin ang Cellphone Maliban kung Kailangan - Huwag mag-video o mag-post. Manatiling tahimik at huwag makipag-ugnayan maliban kung inutusan ng g**o o pulis.
7️⃣ Maghintay ng Utos - Manatiling kalmado at hintayin ang karagdagang anunsyo ng g**o o mga awtoridad.
8️⃣ Ligtas na Paglabas - Kapag sinabing ligtas na, lumabas nang maayos, nakapila, at sumunod sa g**o.
9️⃣ Mag-ulat at Mag-ingat para sa Lahat - Ipaalam sa g**o ang nakita o nalaman. Tandaan, ang kaligtasan ng lahat ay responsibilidad nating lahat!

Magkasama tayo. Maging matalino. Manatiling ligtas.

Ibahagi ang impormasyong ito sa ating mga kasamahang g**o, magulang, at mga mag-aaral. Ang kahandaan ay susi sa ligtas na paaralan!

Want your school to be the top-listed School/college in Calumpit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


PUROK 4 SAN MARCOS
Calumpit
3003

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm