Meysulao UMC

Meysulao UMC

Share

03/05/2023

Narito na ang panahon na muli nating gugunitain ang katapatan ng Panginoon!

Halina't makiisa sa ating selebrasyon ng ika-67th na taon ng pagkakatatag ng Meysulao UMC. Samahan niyo kami sa aming Pre-Anniversary Celebration sa May 7, 9am at ang Anniversary sa May 14, 8am.

Sama-sama nating purihin ang Diyos ng pagkakaisa na siyang nagtatag ng ating Iglesya! Purihin ang Panginoon!

09/04/2023

Speaker: Erika Faith Rodriguez

Saan ka pupunta kapag namatay ka? Eto yung madalas na tanong na marahil ay natanong narin sa atin. Ngunit nakakasiguro ka ba kung saan ka nga ba pupunta? Mga kapatid, hayaan niyo na paalalahanan ko kayo na kaya ang muling pagkabuhay ni Jesus mula sa kamatayan ay paalala sa atin at ang ating kasiguraduhan na meron tayong buhay na walang hanggan kung tayo man ay mamamatay sa mundong ito. Ang tanging kailangan lang natin ay ang manampalataya sa kanya at ating makakamtan ang buhay na walang hanggan dahil si Kristo ay nagtagumpay na maging sa kamatayan!

08/04/2023

Speaker: Sis. Carla Gine Alip

Marami tayong takot at agam agam sa ating mga buhay maging sa mundo na ginagalawan natin. Totoong nakakatakot ang mga bagay na di sigurado ngunit pinapaalalahanan tayo ni Jesus na siya ay naparito sa mundong ito para bigyan tayo ng kapayapaan at kasiguraduhan na meron tayong Diyos na maaasahan sa kabila ng mga takot na ating nararanasan. Ano man ang nakakabagabag sa ating mga puso o isipan, alalahanin ang mga sinabi ni Jesus, “Let not your heart be troubled, neither let it be afraid.”

Samahan niyo kami sa Pananalangin at Pagaayuno Araw-araw hanggang linggo at tunghayan ang mga devotions araw-araw, tuwing ika-8 ng gabi.
Fasting schedule: 8pm to 8am (Food fasting)

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Calumpit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Calumpit
3003