Aquamaster Water Station
18/05/2026
Another blessed partnership! ✨🫶
Isa na namang bagong dealer ang nagtiwala sa amin kahit mas mataas ang aming presyo kumpara sa iba — patunay na quality at tiwala pa rin ang tunay na mahalaga. 🫡
Maraming salamat po Ma’am for choosing Aquamaster!
Committed po kami na panatilihin ang malinis, safe at high-quality purified water para sa inyo at sa inyong mga customers. 💧✨
14/05/2026
PAALALA SA LAHAT NG CUSTOMERS AT DEALERS
Mangyaring sundin ang ating POLICY SA PAGPAPAHIRAM NG CONTAINERS upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating serbisyo. đźš°
Maraming salamat sa inyong pakikiisa! đź’™
30/04/2026
SALUDO AKO SA LAHAT NG MAGTUTUBIG 🫡🫶
May mga trabahong hindi napapansin hanggat hindi nawawala.
Yung tipong isang araw lang na walang delivery—
biglang ramdam ng buong bahay.
Walang maiinom. Walang pangluto. Walang pang-araw-araw.
Sila yung gigising nang maaga, kahit kulang sa tulog.
Sila yung bubuhat ng galon—isa, dalawa, sampu—kahit masakit na ang likod.
Sila yung babyahi sa ilalim ng tirik na araw, o kaya sa gitna ng ulan. kahit delikad at kahit nakakapagod.
Walang reklamo.
Walang spotlight.
Trabaho lang. Serbisyo lang.
Pero ang totoo—hindi lang tubig ang dinadala nila.
Dinadala nila ang ginhawa ng bawat pamilya.
Ang kasiguraduhan na may maiinom ang bata.
Ang simpleng bagay na madalas nating nakakalimutang pahalagahan—malinis na tubig sa bawat araw.
Sa likod ng bawat galon, may pawis at may pagod.
May sakripisyo na hindi nakikita.
Kaya ngayong Labor Day, mula sa Aquamaster Water Station Hindi lang “thank you” ang sasabihin namin.
Pagkilala ito. Respeto at Saludo 🫡
Sa bawat magtutubig—
kayo ang tahimik na sandigan ng komunidad.
Kayo ang dahilan kung bakit tuloy ang buhay, araw-araw.
At kahit hindi man laging nasasabi—napakahalaga ninyo.
SALUDO KAMI SA INYO. 🫡🫶
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Purok 2 Brgy. Canticum
Calbiga
6715
Opening Hours
| Monday | 7:30am - 5pm |
| Tuesday | 7:30am - 5pm |
| Wednesday | 7:30am - 5pm |
| Thursday | 7:30am - 5pm |
| Friday | 7:30am - 5pm |
| Saturday | 7:30am - 5pm |