BFAR SAAD MIMAROPA

BFAR SAAD MIMAROPA

Share

Photos from BFAR SAAD MIMAROPA's post 29/05/2026

๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ ๐Ÿ๐ข๐ง๐ ๐ž๐ซ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐ˆ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐ค๐š๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ฌ๐š ๐๐˜๐Œ๐“๐“๐๐ ๐ฌ๐š ๐‹๐ข๐ง๐š๐ฉ๐š๐œ๐š๐ง, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

Patuloy na pinalalakas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ€“ Special Area for Agricultural Development (BFAR-SAAD) Program ang kabuhayan ng mga pamayanang mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga interbensyong pangkabuhayan at teknikal na suporta sa mga samahan sa Palawan.

Noong Mayo 28, 2026, muling pinagkalooban ng 2,620 piraso ng bangus fingerlings ang Nurutan y ang Manegbila na Tagbanua โ€˜tong Barangay Pical (NYMTTBP) sa bayan ng Linapacan, Palawan para sa kanilang bagong gawang fish cage. Isinagawa ito sa pakikipag-ugnayan ng Inland Sea Ranching Station (ISRS) Palawan bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa produksyon ng bangus sa komunidad.

Bago ang nasabing dagdag na fingerlings, una nang nakatanggap ang samahan ng 1,650 piraso ng bangus fingerlings noong Pebrero 18, 2026. Kasabay nito ay nagsagawa rin ng pagsasanay ukol sa best management practices para sa grow-out culture ng bangus sa fish cage upang mabigyan ang mga miyembro ng sapat na kaalaman sa wastong pagpapalaki at pangangalaga ng bangus.

Ayon kay G. Billie P. Subang Jr., OIC-Chief ng BFAR-ISRS at Regional Focal Person ng National Bangus Development Program (NBDP), layunin ng kanilang tanggapan na matulungan ang mga samahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng fingerlings at teknikal na gabay upang matiyak ang maayos at mas mataas na produksyon ng bangus.

Sa pamamagitan ng proyekto, inaasahang magkakaroon ng dagdag na mapagkukunan ng kita ang samahan habang pinauunlad ang kanilang kakayahan sa aquaculture production.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.

Photos from BFAR SAAD MIMAROPA's post 18/05/2026

๐Œ๐š๐ฌ๐ข๐ค๐š๐ฉ ๐…๐€ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฅ๐š๐›๐š๐œ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐’๐ฎ๐ฆ๐š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐š ๐€๐๐ฏ๐จ๐œ๐š๐œ๐ฒ, ๐‹๐ข๐ง๐ค๐š๐ ๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐ ๐๐ž๐ญ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ข๐ง๐  ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ 

Sumailalim sa Advocacy, Linkaging, and Networking Training ang 20 miyembro ng Masikap Fisherfolk Association (FA) sa Balabac, Palawan noong Mayo 5-6, 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng samahan.

Nagsilbing tagapagsanay si Bb. Neyza Joy Villanueva kung saan tinalakay niya ang mahahalagang konsepto at estratehiya sa epektibong pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan, pribadong institusyon, at mga pamilihan. Binigyang-diin din sa pagsasanay ang kahalagahan ng maayos na pagpapahayag ng mga pangangailangan at suliranin ng samahan upang makakuha ng suporta mula sa ibaโ€™t ibang katuwang na institusyon.

Tinalakay rin ang pagbuo ng makabuluhang ugnayan at kolaborasyon na makatutulong sa pagpapaunlad ng samahan at pagpapatuloy ng kanilang mga kabuhayan. Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas magiging handa ang mga miyembro sa paghahanap ng mga oportunidad at suportang makapagpapalakas sa kanilang organisasyon.

๐‘บ๐‘จ๐‘จ๐‘ซ, ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Calapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Barangay Sapul
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm