MINSU National Service Training Program
11/06/2026
𝗡𝗘𝗪 𝗟𝗢𝗢𝗞, 𝗦𝗔𝗠𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧.
Welcome to Academic Year 2026–2027, NSTPians!
May this year be filled with opportunities to learn, serve, lead, and grow as we continue our shared commitment to community engagement and nation-building with red and spark of passion can ignite a movement of change.
𝗢𝗻𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆. 𝗢𝗻𝗲 𝗽𝘂𝗿𝗽𝗼𝘀𝗲. 𝗢𝗻𝗲 𝗡𝗦𝗧𝗣.
04/06/2026
𝗠𝗮𝘆 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸-𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻, 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗺𝗼.
Limang taon na mula nang unang makarating kami sa Sitio Sulong, Dulangan III, Baco. Limang taon ng mga paglalakbay, kwentuhan, tawanan, at mga munting pangarap na sabay-sabay naming pinanghawakan.
Taon-taon kaming bumabalik dala ang mga school supplies, Christmas gifts, at iba pang simpleng handog. Ngunit sa pagdaan ng panahon, napagtanto naming hindi lamang mga regalo ang aming naihahatid.
Kasama nito ang pag-asa.
Kasama nito ang paniniwala.
Kasama nito ang paalala na sa mundong madalas maging mahirap, may mga taong handang makinig, umalalay, at maniwala sa kanilang kakayahan.
At sa bawat pagbabalik, hindi lamang kami ang nagbibigay, mas marami kaming natatanggap.
Ang dating paslit na kinakarga lamang ng kanilang mga magulang ay malalaki na ngayon.
Ang mga batang na minsang sumalubong sa amin nang may mahihiyang ngiti ay papasok na ng Grade 3.
Ang mga batang dati naming kasama sa bawat palaro ay unti-unti nang nagiging mga binata at dalaga.
Ang ilan sa kanila ay nakatungtong na rin sa kolehiyo, bitbit ang mga pangarap na minsang ibinulong lamang sa hangin.
Dito namin nakita na ang pagbabago ay hindi laging mabilis.
Hindi ito dumarating nang sabay-sabay.
Ang Project EDUKA ng MCC-NSTP Batch 2025–2026 ay isa na namang kabanata sa kwento ng isang komunidad na patuloy na lumalago. Isang batch na naging saksi na ang maliliit na pagkilos, kapag sinamahan ng malasakit at pagkakaisa, ay may kakayahang magbukas ng mas maraming oportunidad at pangarap.
Hindi lamang sila ang nagagalak sa aming munting handog.
Sa totoo lang, mas malaki ang aming tuwa.
Sapagkat walang regalong hihigit sa makita ang isang batang patuloy na nangangarap. Walang handog na mas mahalaga kaysa masaksihan ang kanilang pag-unlad. At walang gantimpalang mas makahulugan kaysa malaman na kahit sa maliit na paraan, naging bahagi kami ng kanilang kwento.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa bawat estudyanteng nagbahagi ng kanilang in-kind donations, sa mga volunteers, sa mga katuwang, at sa lahat ng taong naging bahagi ng gawaing ito.
Hindi lamang kayo tumulong upang maisakatuparan ang isa na namang outreach program. Nagtanim kayo ng pag-asa. Nagbigay kayo ng dahilan upang mangarap.
At kung may natutunan man kami sa loob ng limang taon ng pagbabalik sa Sitio Sulong, ito ay,
𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮’𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽, 𝗺𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗯𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶𝗸. 🤍🌱
Balik-balik, Sitio Sulong.
Lagi’t-lagi, Mula sa NSTP.
27/05/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Masipit, Calapan City, Oriental Mindoro
Calapan
5200
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 12pm |