NHCP - Museo ni Jose Rizal, Calamba

NHCP - Museo ni Jose Rizal, Calamba

Share

Photos from NHCP - Museo ni Jose Rizal, Calamba's post 03/05/2026

𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔

Ang Calamba ay isang lungsod na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna at lugar na sinilangan ng ating bayani na si Jose Rizal.

Alam ninyo ba na ayon sa kwentong-bayan ng Calamba, ang pangalan ng bayan ay hango sa mga salitang "kalan" at "banga." Samantala, ayon sa aklat na Vocabulario de la lengua Tagala (1754) ni Padre Juan Noceda, ang "calamba" ay tumutukoy sa isang malaking banga o kaya'y sa isang kawayan o tubo na may guhit at kulay. Dagdag na rin dito ang aklat ni Padre Francisco Manuel Blanco na Flora de Filipinas (1837) na ang "calamba" ay tumutukoy sa isang uri ng madagtang punong kahoy.

Gayunpaman, nananatiling popular ang kwentong-bayan ng "kalan at banga", sa katunayan ay may ipinatayong malaking monumento ng kalan at banga noong 1937-1939 na matatagpuan malapit sa Bahay ni Jose Rizal at Parokya ni San Juan Bautista.

---
𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔

Calamba is a city located in the province of Laguna and it's famous for being the birthplace of the Philippine national hero, Jose Rizal.

Did you know, according to Calamba's folklore, it got its name from the words "kalan" (stove) and "banga" (jar)? On the other hand, based on the book Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) by Fr. Juan Noceda, "calamba" refers to a big jar or a cane with lines and painted features. In addition, Fr. Francisco Manuel Blanco's book Flora de Filipinas (1837) recorded "calamba" as a type of resinous tree.

However, the folklore of "kalan at banga" remains popular; in fact, a large monument of a kalan and banga was constructed during 1937-1939, which is located near the House of Jose Rizal and the Parish of Saint John the Baptist.

Come and visit NHCP - Museo ni Jose Rizal, Calamba! We're open from 9:00 am to 4:00 pm, Tuesday to Sunday. We're closed on Mondays and selected holidays. Admission is free. ✨

11/04/2026

Ang Museo ni Jose Rizal Calamba ay taos-pusong nagpapasalamat sa mahalagang ambag at tapat na paglilingkod ni G. Teodoro Derrick Villa, Shrine Curator II, sa ating museo.

Mula sa Tahanan ni Rizal sa Calamba patungo sa Tahanan ni Mabini sa Tanauan, maidadala mo ang mga aral at serbisyong may bilis, husay, at tapat na may malasakit sa tao.

Dalangin namin na patuloy mong maisabuhay at maipalaganap ang mga aral ng batang Rizal sa iyong bagong yugto bilang bagong Shrine Curator II ng NHCP Museo ni Apolinario Mabini, Tanauan.

Mabuhay ka at maraming salamat sa iyong paglilingkod.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


J. P. Rizal Street , Cor. F. Mercado St. , Brgy. 6 Poblacion
Calamba
4027

Opening Hours

Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm
Saturday 9am - 4pm
Sunday 9am - 4pm