Team Notnot
29/04/2026
💧 NAWASA pa rin ba ang tawag mo sa TUBIG?
Marami pa rin ang nagsasabi ng “NAWASA” kapag tumutukoy sa tubig sa gripo.
At totoo naman,iyan ang nakasanayan ng marami sa loob ng mahabang panahon.
Pero eto ang dapat malaman 👇
Ang NAWASA ay lumang tawag pa noong (1955).
Ang ibig sabihin nito ay National Waterworks and Sewerage Authority,isang dating ahensya ng gobyerno na namahala noon sa tubig.
📌 Pero matagal na itong wala.
Pinalitan na ito noong (1971), at ngayon ang tawag na ay "MWSS" (METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM)
📌 Sa kasalukuyan:
Ang MWSS ang may hawak ng water services sa Metro Manila at ilang kalapit na lugar.
Samantalang sa mga probinsya, kadalasan ay WATER DISTRICT na ang namamahala.
Ibig sabihin, kapag tubig na galing sa linya ng Serbisyo Publiko or PRIVATE .
mas tamang sabihing:
✔️ Tubig ng Water District
✔️ Tubig ng WD
❌ Hindi na “NAWASA”
✔️ MAYNILAD
✔️ MANILA WATERS
❌ Hindi na “NAWASA”
Hindi man mali kung “NAWASA” pa rin ang nakasanayan,
pero mas maganda kung unti-unti nating gamitin ang tamang tawag,
para mas malinaw, mas updated, at mas tama ang impormasyon.
Sa susunod na magtatanong ka:
“May tubig ba ang NAWASA?”
Subukan nating itama nang dahan-dahan 👇
👉 “May tubig ba ang Water District?”
👉 “May tubig ba ang MAYNILAD or etc.?”
Maliit na pagbabago sa salita,
pero malaking tulong sa tamang kaalaman. 💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Calamba