Calambeño

Calambeño

Share

Photos from Calambeño's post 16/04/2026

Launching ng Livelihood and Education Access Program (LEAP) para sa mga Probationer at Parolees

Calamba, Laguna — Inilunsad ng Parole and Probation Administration Region 4-A Calabarzon Calamba City PPO ang Livelihood and Education Access Program (LEAP), isang inisyatibo na naglalayong magbigay ng oportunidad sa kabuhayan at edukasyon para sa mga probationer at parolee sa lungsod ng Calamba, Bay, Calauan at Los Baños, Laguna sa mahigit 100 na kalahok. Sa pangunguna ni Mr. Joel Arjinal, Chief, Calamba Probation Parole Officer kasama ang Alternative Learning School (ALS) ng DepEd at Laguna State Polytechnic University, inilatag ang libreng pagsasanay upang matulungan ang mga kalahok na magkaroon ng kakayahan na kumita mula sa kani-kanilang tahanan.

Layunin ng programa na suportahan ang muling pagbabagong-buhay ng mga probationer at parolee sa pamamagitan ng pagbibigay ng praktikal na kasanayan at kaalaman na magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kabilang sa mga aktibidad ang skills training at oryentasyon sa iba’t ibang oportunidad sa kabuhayan na maaaring pasukin ng mga kalahok.

Ayon kay Mr. Arjinal, magbibigay ang kanilang tanggapan ng mga assessment form upang matukoy ang interes at kakayahan ng bawat kalahok. Sa pamamagitan nito, maitutugma ang mga probationer at parolee sa mga programang angkop sa kanilang pangangailangan at nais tahakin.

Ang LEAP ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Parole and Probation Office na itaguyod ang inklusibong pag-unlad at mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga indibidwal na nagnanais magsimula muli.

15/04/2026

Tara pasyal muna sa Enchanted Kingdom. Ang ganda ng Agila the EKsperience Saribuhay

15/04/2026

OPERATION: GALUGAD MODE ON

Calamba City — Patuloy ang pinaigting na kampanya ng Calamba City Police Station laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng isinagawang Oplan Galugad sa Barangay Dos.

Layunin ng operasyong ito na tugisin ang mga indibidwal na sangkot sa iba’t ibang ilegal na aktibidad, partikular ang paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Sa pamamagitan ng sunod-sunod at tuloy-tuloy na aksyon, mas pinapalakas ng kapulisan ang presensya nito sa komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Ayon sa pulisya, hindi titigil ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng ganitong operasyon. Araw-araw na pinaiigting ang kanilang mga hakbang upang masigurong protektado ang mamamayan at napapanatili ang kapayapaan sa lungsod.
Hinihikayat din ang publiko na makiisa sa laban kontra krimen. Ang anumang kahina-hinalang aktibidad ay maaaring i-report sa pamamagitan ng opisyal na social media page ng Calamba Police o sa pagtawag sa 911.

Sa sama-samang pagkilos ng kapulisan at komunidad, patuloy ang hangarin na gawing huwaran ang Calamba Police bilang isa sa mga pinakamahusay sa Laguna.

📷 Calamba CCPS - PNP Calabarzon

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Calamba