PIA CALABARZON

PIA CALABARZON

Share

08/06/2026

Mas mabilis na koneksyon, mas malawak na oportunidad para sa kabataan.

Sa pamamagitan ng libreng Wi-Fi na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mas maraming paaralanβ€”lalo na ang nasa malalayong lugarβ€”ang nabibigyan ng akses sa makabagong kaalaman at teknolohiya.

Bawat koneksyon ay daan upang mas mapalawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral at mas mailapit sila sa kanilang mga pangarap at tagumpay sa hinaharap.

Photos from PIA CALABARZON's post 08/06/2026

𝗑𝗒𝗑-π—¨π—‘π—œπ—™π—’π—₯π— π—˜π—— π—£π—˜π—₯π—¦π—’π—‘π—‘π—˜π—Ÿ π—‘π—š 𝗣π—₯𝗒 π—–π—”π—Ÿπ—”π—•π—”π—₯𝗭𝗒𝗑, π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—₯π—˜π—šπ—”π—Ÿπ—’ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—’π—Ÿπ—– π—™π—’π—¨π—‘π——π—”π—§π—œπ—’π—‘, π—œπ—‘π—–.

Bilang pagpapahalaga sa ginagampanang papel ng mga Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Police Regional Office (PRO) Calabarzon ay nagkaloob ang Philippine National Police Officers’ Ladies Club Foundation Inc. Calabarzon ng bigas at school supplies sa mga NUPs at kanilang dependents sa Camp BGen Vicente P. Lim, Mayapa, Calamba City, Laguna ngayong Lunes, Hunyo 8.

Nasa 20 mag-aaral na dependents ng mga NUP ang tumanggap ng libreng school supplies mula sa OLC Foundation na kanilang magagamit ngayong balik-eskwela. Inaasahang madadagdagan pa ang nasabing bilang ng mga benepisyaryo sa pag-ikot sa iba’t ibang police provincial offices sa rehiyon.

Bukod dito, tumanggap din ang tatlo sa pinaka-matandang NUPs ng dagdag na regalong pinansyal mula sa PNP Police Regional Office 4A at OLC Foundation, Inc. at nagkaloob rin si Boss A, isang sikat na vlogger ng mga laptop at cash para sa kanila.

Ayon kay OLCFI 4A President Venus Reglos, aabot sa 756 sako ng bigas ang kanilang ipagkakaloob sa NUPs sa buong Calabarzon. | via COP/PIA4A

Want your organization to be the top-listed Government Service in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Ground Floor, Grande Building, National Highway, Bucal
Calamba
4027