Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU
01/05/2026
BAKIT MAGTATAGUMPAY ANG URING MANGGAGAWA!
Walang humpay ang pagpupugay sa mga manggagawa at aktibista sa buong mundo sa kanilang pakikibaka tuwing Mayo Uno.
Matatagumpay ang uring manggagawa—gaya ng kanilang napagtagumpayan noon ang 8-oras na paggawa, makatarungang sahod, seguridad sa trabaho, at karapatang mag-unyon.
Sa gitna ng patuloy na paghihirap at pagsasamantala dulot ng krisis ng imperyalismo at kasakiman sa tubo ng mga kapitalista—na kasabwat ang mga pulitiko—lalo lamang lalawak ang laban ng uring manggagawa. Wala kaming ibang tatahakin kundi ang magpatuloy sa pakikibaka hanggang sa ganap na tagumpay.
Pinatunayan na ng kasaysayan: kapag nagkakaisa at nagwewelga ang mga manggagawa—nagtatagumpay! Tiyak na mabibigo ang mga kapitalista sa harap ng nagkakaisang lakas ng manggagawa.
Mabuhay ang uring manggagawa!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
WPPWU-DFA- KMU I 1200 NATIONAL MINIMUM WAGE PETITIONER
https://www.facebook.com/share/1FuRSYecqK/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Address
Calamba