Angat SK ng Makiling

Angat SK ng Makiling

Share

Photos from Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal's post 08/04/2026

PAALALA SA LAHAT NG BARANGAY AT SK

Bilang pagsunod sa inilabas na memorandum ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba na aking nilagdaan, pansamantala nating ipinatutupad ang pagpapaliban ng mga pagbiyahe, programa, proyekto, at aktibidad na hindi agarang kinakailangan.

Layunin nitong matiyak ang mas maayos na paggamit ng pondo, makatipid sa enerhiya at gasolina, at higit na mapagtuunan ng pansin ang mga prayoridad na pangangailangan ng ating komunidad—lalo na sa kaligtasan, kahandaan, at agarang pagtugon sa anumang sakuna.

Hinihikayat din ang lahat na isagawa muna sa digital platforms ang mga pagpupulong kung maaari, at iwasan ang mga hindi kinakailangang pagtitipon at selebrasyon.

Ang inyong kooperasyon ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at epektibong serbisyo para sa bawat Calambeño.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Makiling
Calamba