Junior's Rent a Car Calamba Laguna
17/10/2022
P A A L A L A
Ipinatutupad ng MMDA ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 7 am - 10 am at 5 pm - 8 pm mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.
Sa ilalim nito, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng license plates sa nasabing coding hours. Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.
Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, marked government vehicle, trak ng petrolyo, marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods.
20/08/2022
Thank you sir for choosing Junior's Rent a Car Calamba Laguna..🙏
We're so happy and Grateful to serve you😊
For Inquiries and Reservations
Contact: 09561754473
05/07/2022
Ang pagmamaneho habang inaantok ay mapanganib din tulad ng pagmamaneho nang nakainom ng alak.
Bago magmaneho, siguraduhing may sapat na pahinga upang maiwasan ang aksidente sa kalsada. Kung inaantok, itabi muna ang sasakyan sa tamang lugar para makapagpahinga at makabawi ng lakas.
Iwasan ang pagmamaneho nang walang tulog.
Mahalagang nasa kondisyon ang sarili, hindi lamang ang sasakyan, upang masigurado na alerto sa paligid at maiwasan ang aksidente sa daan.
04/07/2022
P A A L A L A
Nananatili ang pagpapatupad ng MMDA Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 5 pm hanggang 8 pm mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.
Sa ilalim nito, bawal ang mga sasakyan sa pagbiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng plate number mula 5 pm hanggang 8 pm. Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.
Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trak ng basura, trak ng petrolyo, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Calamba Street
Calamba
4027