San Isidro Labrador Chapel
"Magpasalamat kayo sa Panginoon, tumawag kayo sa kanyang pangalan; ipahayag ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bayan!" β Awit 105:1
PAANYAYA SA BANAL NA MISA π
Magandang hapon po! Inaanyayahan po ang lahat ng mga deboto at parishioners na magsimba bukas:
β° Oras: 5:00 PM (Ganap na ika-5 ng hapon)
π Lugar: San Isidro Labrador Chapel, Barangay Bucal, Calamba City
parish_priest Misa ng Bayan kasama si: Father Ronnie
Ibahagi po natin ang magandang balitang ito sa ating pamilya at mga kapitbahay. Kita-kita po tayo bukas!
17/05/2026
πΎ MARAMING SALAMAT SA MGA BUSILAK ANG PUSO! πΎ
β Pasasalamat para sa Fiesta Community Pantry ni San Isidro Labrador (May 15)
Isang mapagpala at masayang kapistahan po muli sa ating lahat!
Nitong nakaraang May 15, kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Patron na si San Isidro Labrador, ay matagumpay nating naisagawa ang isang Community Pantry sa ating Chapel. Ito ay naging posible dahil sa walang-sawang suporta, bayanihan, at donasyon ng ating mga kabarangay na may mabubuting loob.
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng nag-abot ng kanilang donasyonβmula sa mga sariwang saging, pinya, talong, langka, at iba't ibang gulay, hanggang sa mga buko, at mais.
Ang inyong pagbabahagi ng biyaya nang bukal sa kalooban ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa ating komunidad. Dahil sa inyong malasakit, maraming pamilya ang sumaya at nabiyayaan sa araw ng pista. Gabayan nawa kayong lahat ng Poong Maykapal at suklian ng siksik, liglig, at umaapaw na pagpapala ang inyong kagandahang-loob.
Ma-KAP-agal ang biyaya at saya kapag ang bawat isa ay may pusong nagmamalasakit sa kapwa!
Muli, maraming-maraming salamat po sa lahat ng nag-share ng kanilang blessings! Viva San Isidro Labrador! ππ
Tapat na sumasainyo,
βͺ BARANGAY BUCAL PASTORAL COUNCIL
ROWELL MACAPAGAL
Coordinator
kasama ang Mga Miyembro ng Pastoral Council
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy. Bucal Calamba City
Calamba
4027