LagueNews

LagueNews

Share

23/09/2025

MARCOS, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG BAGONG PABAHAY SA LAGUNA

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes ang inagurasyon at turnover ceremony ng mahigit 1,000 housing units para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan bunsod ng pagpapatupad ng Philippine National Railways (PNR) South Long Haul Project-Segment 2-7.

Ayon sa Pangulo, ang mga benepisyaryo ng proyektong ito ay pawang mga informal settlers na dating naninirahan sa tabi ng riles ng tren. “Ngayon, masaya nating ipinagdiriwang na may mas ligtas at maayos na tahanan na mayroon kayong mauuwian,” pahayag ni Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo na hindi lamang pagpapaunlad ng imprastraktura ang layunin ng pamahalaan, kundi ang pagbibigay ng ligtas at disenteng tirahan para sa mga pamilyang naapektuhan ng malalaking proyekto.

Ang housing project ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), National Housing Authority (NHA), at ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo City. Bahagi ito ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program (4PH), isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon.

Bukod sa mga pabahay, inanunsyo ni Marcos na kasama rin sa proyekto ang pagtatayo ng mga pampublikong pasilidad gaya ng isang elementary school, multipurpose covered court, health center, daycare center, tricycle terminal, at lokal na palengke para sa komunidad.

21/09/2025

CONG. JOJO ANG INIULAT NA NAG-UTOS NA KUMUHA NG “DONASYON” KAY ENGR. CALALO PARA KAY CONG. LEVISTE

Lumutang ang seryosong paratang laban kay Uswag Ilonggo Party-list Congressman James “Jojo” Ang Jr. matapos ilahad ni District Engineer Abelardo Calalo sa kanyang counter-affidavit na mismong siya ay inutusan ng kongresista na mangolekta ng “donasyon” mula sa mga kontratista sa Batangas para umano kay Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste. Ayon kay Calalo, wala siyang nagawa kundi sumunod sa utos ni Rep. Ang dahil mismong si Senator Loren Legarda ay kaharap nila nang ipagawa ito sa kanya.

Dagdag pa ni Calalo, ang perang nasamsam sa kanyang pagkakaaresto ay hindi suhol, taliwas sa mga naunang pinalabas, kundi bahagi ng sinasabing "donation scheme" na direktang iniutos ni Congressman Ang. Isiniwalat din niya na matapos ang kanilang pag-uusap, agad na binura ng kongresista ang kanilang palitan ng mensahe sa Viber, na lalo pang nagdulot ng pagdududa kung bakit kailangang itago ang naturang komunikasyon.

Kinumpirma rin ng mga kontratistang sina Sara at Curlee Discaya ang kanilang naging karanasan kay Congressman Ang, kung saan sinabi nilang obligado silang magbigay ng 10–25% ng halaga ng kanilang kontrata upang hindi maantala ang implementasyon ng mga proyekto. Sa kanilang 10-pahinang affidavit, malinaw nilang tinukoy si Ang bilang isa sa mga nakikinabang sa pondong kinukuha mula sa kanilang mga proyekto.

Matatandaan na si DE Calalo ang pinahuli umano ni Congressman. Leviste sa kapulisan dahil sa paratang na siya’y nagsuhol, subalit iginiit ng inhinyero na ang tunay na dahilan sa likod ng pinaiikot na kwento ay ang mismong donation scheme na may basbas pa umano ni Senator Legarda. Sa gitna ng magkakaugnay na testimonya ni Calalo at mag-asawang Discaya, nananawagan ang publiko ng masusing imbestigasyon upang mabunyag ang buong katotohanan sa anomalya.

05/09/2025

LALAKING PUMATAY NG 2 KATAO, PATAY SA SHOOTOUT SA SANTA ROSA!

Patay sa naganap na shootout sa Santa Rosa City, Laguna nitong Linggo, August 31, ang isang lalaking suspek sa pamamaslang ng dalawang katao sa lungsod.

Kinilala ang suspek sa alyas na Nestor.

Ayon sa Santa Rosa Police, binaril hanggang sa mapatay ng suspek ang isang empleyado ng barangay at kaniyang pinsan.

Sinubukan pa umanong kausapin ng mga rumespondeng pulis si Nestor subalit pinaputukan sila nito. Dito na gumanti ng putok ang mga awtoridad hanggang sa mapatay ang suspek.

Samantala, ginawaran naman ng Medalya ng Kagalingan sina Sta. Rosa City police chief Lt. Col. Benson Pimentel at Cpl. Brly Verniz dahil sa ipinamalas na katapangan at mabilis na aksyon.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Chipeco Avenue
Calamba
4028