San Isidro Labrador Chapel Halang

San Isidro Labrador Chapel Halang

Share

03/04/2026

𝐄𝐒𝐓𝐀𝐂𝐈𝐎𝐍 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔

Disclaimer: No copyright infringement intended.

13/12/2025

𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗡𝗔!
𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Simbang Gabi na gaganapin sa 𝗞𝗮𝗽𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗜𝘀𝗶𝗱𝗿𝗼 𝗟𝗮𝗯𝗿𝗮𝗱𝗼𝗿 mula 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟱 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟯, tuwing 𝟲:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗯𝗶.

Tayo’y magtipon-tipon sa pagdarasal at pagninilay bilang paghahanda sa pagsilang ng ating Panginoon. Huwag nating palampasin ang pagkakataong ito upang mas mapalapit sa Diyos ngayong panahon ng Adbiyento.

Tara na’t makiisa!

Photos from San Isidro Labrador Chapel Halang's post 13/06/2025

𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡| 𝗛𝗮𝘁𝗶𝗿𝗮𝗻 𝗞𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝘂𝗮𝗻 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮
Hunyo 12, 2025 | Huwebes

Isang pagpapahayag ng pananampalataya at tradisyon ang muling isinabuhay sa San Isidro Labrador Chapel sa pamamagitan ng makulay na Hatiran kay San Juan Bautista. Sama-samang nag-alay ng dasal, debosyon, at paggalang ang mga mananampalataya bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan.

San Juan Bautista, ipanalangin mo kami.

09/06/2025

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗
Bilang paggunita sa ika-246 na taon ng kapistahan ni San Juan Bautista, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makibahagi sa "Hatiran kay San Juan Bautista 2025" sa darating na Hunyo 12, 2025 (Huwebes).

🕕 6:00 ng gabi – Pagsundo sa Imahe ni San Juan Bautista mula sa Lecheria patungo sa Kapilya ng San Isidro Labrador
🕡 6:30 ng gabi – Pagdiriwang ng Banal na Misa

Magsama-sama tayong maglakbay at magdasal bilang isang sambayanang Kristiyano.

Punong Tagapagdiwang:
Rev. Msgr. Mario Rafael M. Castillo
Kura Paroko, Parokya ng San Juan Bautista

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Chipeco Avenue Halang
Calamba
4027