BOSSRamm Tv
09/01/2026
HINDI KO SINASADYA ‼️‼️‼️
Iginiit ng suspek na hindi niya sinadya ang pagkamatay ni Anelis Agocoy, ang babaeng natagpuang patay na isinilid sa plastic container box at itinapon sa tulay sa Basud, Camarines Norte.
Ayon sa kanyang naging pahayag, lasing o nakainom umano siya noong mangyari ang insidente at nauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang alitan na may kaugnayan sa selos.
Ngunit habang nag-aaway ang dalawa ay itinulak ng suspek ang biktima na naging dahilan ng pagkakabagok ng ulo ni Annie.
Ayon pa sa 35 anyos na suspek na si Arnel, ng makita niyang wala ng malay ang biktima ay labis siyang natakot, nataranta at hindi niya na alam kung ano ang gagawin sa mga sumunod na oras.
Sa halip na humingi ng tulong, napagdesisyunan umano niyang ilagay ang katawan ng biktima sa isang plastic storage box at ibiyahe ito patungong Camarines Norte kung saan niya ito itinapon upang maitago ang nangyari sa nakakaawang biktima.
📸: contributed photos
09/01/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calamba
4027