Sulong Laguna
24/06/2026
𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗦𝗼𝗹 𝗔𝗿𝗮𝗴𝗼𝗻𝗲𝘀 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗯𝘂𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗰𝗿𝗲𝘄 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘃𝗶𝗿𝗮𝗹 𝗿𝗼𝗮𝗱 𝗮𝗰𝗰𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘂𝗺𝗮𝗻𝗼 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴
Pinagpapaliwanag ni Laguna Governor Sol Aragones ang mga sakay ng provincial ambulance matapos itong masangkot sa isang insidente na nag viral online kung saan hindi umano natulungan ang isang naaksidenteng pasyente sa kalsada.
Ayon sa paunang paliwanag ng ambulance crew, sila ay nasa ilalim umano ng travel order para ipagawa ang sasakyan kaya’t hindi kumpleto ang kanilang dalang kagamitan at hindi rin sila nakahandang magsagawa ng emergency response.
Gayunman, hindi naging sapat ang paliwanag na ito kay Gob. Sol, na agad nag-utos ng masusing pagpapaliwanag upang mabatid ang buong pangyayari at matukoy kung may pagkukulang sa panig ng mga personnel.
Nakatakdang humarap bukas ng umaga ang mga sangkot na ambulance personnel sa gobernador upang ilahad ang buong detalye ng insidente.
𝗣𝗿𝗼𝗮𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗶𝗻𝗶𝘁𝗶𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗯𝗹𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗚𝗨 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗯𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗹𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗿𝗼𝘂𝘁𝗲, 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗴 𝘁𝗿𝗮𝗽𝗶𝗸𝗼 𝗮𝘁 𝗲𝗸𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝘆𝗮
“Good roads bring economic progress.”
Ito ang binigyang-diin ni San Pablo City Mayor Najie Gapangada sa kanyang panawagan na ipagpatuloy ang konstruksyon ng nabiting alternate route sa bahagi ng Barangay San Miguel. Ang naturang proyekto ay inaasahang magsisilbing alternatibong daanan patungong Quezon at Bicol, na makatutulong upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa Maharlika Highway.
𝗦𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗯𝗹𝗼 𝗟𝗚𝗨 𝗻𝗮𝗻𝗮𝘄𝗮𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆 𝗗𝗣𝗪𝗛 𝗦𝗲𝗰.𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗗𝗶𝘇𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗯𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗹𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗲 𝗿𝗼𝘂𝘁𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 , 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗯𝗼𝗻𝗼 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼
Nanawagan si San Pablo City Mayor Najie Gapangada kay DPWH Secretary Vince Dizon na agarang ipagpatuloy ang matagal nang nakatenggang alternate route project na mag-uugnay sa San Pablo City at Quezon Province, na magsisilbi ring alternatibong daanan para sa mga biyaheng patungong Bicol.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Calamba City Laguna
Calamba
4027