City Engineering Office- Calaca
04/06/2026
Sa Salong, tuloy ang sulong ng pangarap ng ating mga kabataan!๐งก
Isang mahalagang hakbang ang ating nasaksihan sa Groundbreaking ng Salong Integrated Schoolโisang proyektong maglalapit ng mas kumpleto at mas naaabot na edukasyon para sa ating mga mag-aaral. ๐ฉ๐ง
Sa pamamagitan ng isang integrated school, mas magiging tuloy-tuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan sa loob ng iisang paaralan at komunidad, mula sa mga unang hakbang ng pag-aaral hanggang sa paghahanda para sa kolehiyo, trabaho, o pagnenegosyo.
Mas kaunting oras sa biyahe, mas maraming oras sa pag-aaral, at mas magaan para sa ating mga magulang. Higit sa lahat, mas maraming kabataang Calacazen ang mabibigyan ng pagkakataong mangarap at magtagumpay.๐ฉโ๐๐งโ๐
Patuloy nating itinatayo hindi lamang ang mga gusali, kundi ang mga pangarap at kinabukasan ng susunod na henerasyon.
14/05/2026
Pantay ang Pangarap!
Groundbreaking of 3-Storey School Bldg. Pantay Elementary School
Sa isa na namang groundbreaking ng bagong paaralang elementarya, hindi lang tayo nagtatayo ng silid-aralan, nagtatayo tayo ng mas malaking pangarap, mas matibay na pag-asa, at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Calacazen.
Dito, bawat pundasyon ay simbolo ng oportunidad. Bawat hakbang sa lupa ay hakbang tungo sa kaalaman. At bawat pader na itatayo ay magiging tahanan ng mga pangarap na mag-aangat sa buong Lungsod ng Calaca.
Dahil sa Calaca, pantay ang karapatan ng bawat bata na matuto, mangarap, at magtagumpay.
Ito ang tunay na TAMANG GAWAโserbisyong may konkretong aksyon, hindi puro DADA. Sa pagkakaisa ng inyong pamunuan, nakakamit ang tunay na pag-unlad!
14/05/2026
14/05/2026
03/05/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐ง๐ ๐ซ. ๐๐ฅ๐๐ง๐จ ๐. ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐๐จ! ๐๐๐งก
Taos-pusong pagbati at pasasalamat sa iyong mahusay na pagseserbisyo at dedikasyon para sa mga Calacazen.
- Mula sa iyong pamilya sa Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni City Mayor Nas Ona
03/05/2026
Happy Birthday, Engr. Eleno Ontangco ๐งก
May your special day be filled with happiness, good health, and continued success. We are truly grateful not only for your wisdom but also for your kindness. Wishing you more years of excellence and fulfillment!
Love,
Your City Engineering Family ๐งกโค๏ธ
30/03/2026
Ngayong Lunes Santo, paalalang linisin ang sarili sa galit, takot, at pangambaโat magtanim ng kapayapaan sa bawat kilos.
24/03/2026
๐๐ผ๐ป๐๐๐ฟ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐น๐ผ๐ฝ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐๐ต ๐ฅ๐ฒ๐ต๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป/๐จ๐ฝ๐ด๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ณ ๐ฅ๐ผ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ถ๐๐ถ๐ผ ๐ฃ๐๐๐ฎ๐ผ, ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ผ, ๐๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฎ, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐
Hakbang tungo sa mas Ligtas at Matatag na Komunidad.
Matagumpay na pagkumpleto ng Slope protection with Rehabilitation/Upgrading of Road at Sitio Pusao, Barangay Tamayo. Ito ay may layunin na maiwasan ang pagguho ng lupa lalo na sa panahon ng malalakas na ulan, at maprotektahan ang mga tahanan, kalsada, at kabuhayan ng bawat isang Calacazens. Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas napapalakas natin ang ating paghahanda laban sa mga sakuna.
Ang proyektong ito ay patunay na sa tulong ng pagkakaisa at maayos na pamamahala, kaya nating makamit ang mga proyektong tunay na makikinabang ang komunidad.
19/01/2026
๐๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐๐ก๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐จ๐๐
Bilang tugon ng ๐๐ผ๐ธ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป na pinamumunuan ni ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ฌ ๐๐ง๐ sa naging epekto ng mga nakaraang Bagyo, matagumpay na naisagawa ang Slope Protection with Rehabilitation of Road sa Barangay Cahil.
Layunin nitong palakasin ang proteksyon laban sa pagbaha at pagguho ng lupa, upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at magkaroon ng maaasahang sistema ng transportasyon na sumusuporta sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ang proyektong ito ay nakapaloob sa Programang ๐ก๐ฎ๐๐ฎ ๐ง๐ถ๐ฏ๐ฎ๐, na patuloy na naglalayong maghatid ng matibay, ligtas, at maaasahang imprastruktura para sa bawat Calacazens.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pob. 4
Calaca
4212