CACD Calaca City
12/03/2026
𝗖𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗶 𝗟𝗼𝗽𝗲𝘇 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 - 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀' 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 | 𝟭𝟬 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa pag-agapay ng tanggapan ng City Assistance for Community Development na pinangungunahan ni G. Arnel Lopez, CACD-OIC ay isinagawa ang pagpupulong ng opisyales ng Coral ni Lopez Farmers Association na pinamumunuan ni Pangulong Demetrio Arevalo.
Pangunahing pinagtalakayan ang unang buwang operasyon ng Coral Pure Water Refilling Station kung saan nagkaroon ng pagtatasa ng kalagayang pampinansiya sa proyekto. Binuksan din ang usapin nang pagsasaayos nang pagbabahagi ng kita ng samahan sa mga gugulin at gastusin nito.
Inaasahang patuloy pa ang pag-unlad ng samahan sa operasyon ng proyektong umiiral sa ilalim ng NASA TIYAGA: Programang Pangkabuhayan sa suporta ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona.
09/03/2026
𝗧𝘂𝗹𝗼𝘆-𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗺𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴 𝗻𝗴 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮.
Patuloy ang tanggapan ng City Assistance for Community Development na pinangungunahan ni G. Arnel Lopez, CACD-OIC sa isinasagawang monitoring at pagpapalawig ng programang NASA NEGOSYO na bahagi ng suportang pangkabuhayan ng Lungsod ng Calaca sa ilalim ng liderato ni City Mayor Nas Ona.
Sa nagdaang linggo ay binisita ng mga nakatalagang kawani ang barangay Matipok at Salong upang alamin ang kalagayan ng mga indibidwal na proyekto ng mga kasaping benepesyaryo ng programa mula sa NASA MASA -Salong at Pinag-isang Lakas ng mga Mamamayan ng Matipok (PLMM). Tiniyak ang tuloy-tuloy na implementasyon ng programa at pag-agapay sa mga kasapi sa kabuuan ng proyekto.
Samantala, sa pagpapalawig ng programa, limang (5) kasapi naman ng UNITY Dacanlao ang nabigyan ng puhunan para sa kanilang proyektong pangkabuhayan. Inaasahan na magbubunga ito ng patuloy na pag-unlad sa mga benepesyaryo.
Walang tigil ang tanggapan sa paghahatid ng serbisyong may malasakit upang tagumpay ng komunidad ay makamit. Patunay ito ng Tamang Gawa para sa bawat Calacazen.
06/03/2026
𝗧𝗲𝗰𝗵𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁 𝗣𝗮𝗰𝗸𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 & 𝗟𝗮𝗯𝗲𝗹𝗶𝗻𝗴 | 𝟬𝟲 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona sa Department of Science and Technology Region IV-A (CALABARZON) sa tulong ng tanggapan ng City Assistance for Community Development na pinangungunahan ni G. Arnel Lopez, CACD-OIC, isinagawa ngayong araw, Marso 06, 2026 ang Technology Training on Packaging and Labeling para sa mga samahang pangkabuhayan na may mga produkto dito sa ating lungsod.
Pinangunahan ang pagsasanay ng DOST Batangas Provincial Office na pinamumunuan ni Provincial S&T Director Felina Malabanan kung saan naging punong tagapagsanay si G. John Maico Hernandez katuwang si Bb. Anna Marie Marasigan.
Ang pagsasanay ay isinagawa upang bigyan ng dagdag kaalaman ang mga samahang pangkabuhayan sa pagsasaayos ng branding, labeling at packaging content and design upang higit na maging kaaya-aya ang kani-kanilang mga produkto.
Lubos ang pasasalamat ng tanggapan at mga kinatawan ng samahan sa patuloy na paggabay ng tanggapan ng CACD Calaca City at mga ahensiyang nakakatuwang nito sa patuloy na paghahatid ng Tamang Gawa para sa ating mga Calaczens.
Patunay ito nang patuloy na pagseserbisyo nang may malasakit para sa patuloy na pag-unlad ng mga mamamayan at komunidad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calaca
4212