Music Qoutes

Music Qoutes

Share

30/11/2017

"Walang Halaga"

Mga likhang tula
na bigla nalang nawala
Naglaho ng parang bula
dahil walang nakakuha

Di na naalala pa ang tula
gaya ng lumikha
Nawala
maging ang mga alaala ng
Kanyang mga nilikha

Walang nakaunawa
sa damdamin ng bawat katha
Ni walang nakahalata
na natapos na pala ang likhang tula

Natapos lang ng bigla
ni walang namangha
Sa gulo ng kanyang mga gawa
di nakita ang nais ipaunawa.

—R.L.D

11/03/17

22/11/2017

Mga tulang may hugot? Like :)

Panimula

Muli kong uumpisahan,
storyang tila nasa katapusan.
Panibagong talata sa isang pahina,
kung saan ang huling salita ay mag-uumpisa sa isang bagong kabanata.

Uumpisahan ko ito sa mga masasakit na memoryang natamo,
dala ng kahapon na ang dulot ay pagdurugo ng puso kong bigo.
Muli akong tatayo mula sa k**a ko,
magpapatuyong muli ng mga unang nabasa ng luhang dulot mo.

Maglalakad na akong muli,
sa kalawakan kung saan ko ito inumpisahan.
Uupo sa isang sulok at muling hahanapin ang aking sarili.
pagmamasdan ang kalangitan hanggang sa ako ay matauhan.

Sisimulan ko itong muli,
mga panibagong salita.
Kung saan di ko na mababalikan ang huli,
gagawa akong muli ng mga bagong kabanata.

Bagong tagpo ng aking buhay,
muling gagawa upang mawala ang mga latay.
Sugat ng kahapo'y akin ng bibitawan,
kasabay ng paglalakad ko sa ilalim ng kalangitan.

Ito na ang bagong yugto,
buhay kong nanatili sayo.
Isusulat kong muli ang bagong tula,
na tungkol naman sa muling pagsisimula.

Muli kong uumpisahan,
salitang tila hindi nauubusan.
Mga sakit, bigo't paghihinagpis,
akin ng aalisin ang mga kargada ng dibdib na tila lumilitis.

Heto na ang panibagong araw,
muli ko ng masisilayan ang bahaghari sa kalangitan.
Mawawala na ang aking uhaw,
sa muling paglakad ko sa kawalan.

Heto na ang panimula,
mula sa paggiging baliw sa kanya.
Maaaring ito na ang simula,
kwentong natapos na sa simula.

Simulang walang wakas,
sinimulan ngunit hinding hindi nagwawakas.
Huling salita para sa panimula,
at muling magsisimula ng isang masayang kabanata.

11/21/17 1:00Am

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cainta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cainta
1900