JE-AR
“Ako nga pala si Muñoz. Isang batang masipag at aminado na hindi man ako pinakamatalino, puno naman ako ng respeto, talento, at determinasyon. Mahilig ako sa drawing, paggawa ng tula, at hindi rin ako nahihiya humarap sa maraming tao. Simple lang ako, pero malaki ang pangarap ko—ang makatapos ng pag-aaral at maibalik ang lahat ng suporta at pagmamahal na ibinigay ng aking pamilya. Patuloy akong magsusumikap dahil naniniwala akong ang sipag, respeto, at talento ay sapat na upang abutin ang aking mga pangarap.”
JE-AR 📝🖌️
04/12/2025
“Talento at pag-aaral, sabay kong hinaharap
pangarap ko’y aangat.”
JE-AR 🖌️📝
Hindi ko ikukumpara Ang sarili ko sa iba dahil tulad ng libro may sarili akong pahina , pahina ng mga kabanata ng Buhay ko na gagamitin ko Ang salitang libro parang Yung sarili ko ay libro
"Bagong Kabanata"
Sa paglipas ng gabing kay dilim,
Sumisilip ang araw sa bawat tanim,
Bagong pag-asa'y sumisibol sa lupa,
Bagong yugto, bagong paghinga.
Kalakip ng hangin ang bulong ng dasal,
Pangarap at tapang, sabay na sumasal,
Sa bawat yapak sa daang nilalakbay,
Bagong kabanata ang aking tangan.
Kalilimutan ang hapdi ng kahapon,
Yayakapin ang bukas nang may layon,
Pag-ibig, pag-asa, paghilom ng sugat,
Sa bagong simula, puso'y naglalakbay.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Website
Address
Cainta