SJP Biblical Apostolate
22/05/2026
HAPPY BIRTHDAY FR. CRISTOPHER!
From your Biblical Apostolate Family, we thank God for the gift of your life and faithful leadership. May the Lord continue to bless you with wisdom, strength, and joy as you guide His people through His Word.
โYour word is a lamp for my feet, a light on my path.โ โ Psalm 119:105
Praying for more fruitful years in your ministry and mission. God bless you always, Father! ๐๐
01/05/2026
Happy Fiesta San Jose Parish!!๐๐
19/04/2026
04/04/2026
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi sa Pitong Huling Wika ng Panginoon. Sa mga naging sharer, maraming salamat sa inyong pagbabahagi ng makabuluhang pagninilay na nagsilbing gabay at inspirasyon sa aming pananampalataya.
Sa lahat ng dumalo at nakiisa, ang inyong presensya at pakikiisa ay tunay na nagpapatunay ng ating pagmamahal sa Diyos at paglalakbay bilang isang pamayanang sumasampalataya. Nawaโy patuloy nating dalhin sa ating puso ang mga aral ng Kanyang dakilang pag-ibig at maisabuhay ito sa ating araw-araw na buhay.
Maraming salamat at pagpalain tayong lahat ng Panginoon.
Photo CTTO
02/04/2026
Bukas na po!
Ang Huling Pitong Wika ng ating Panginoon.
Isang Mapagpalang Paanyaya โ๏ธ
Minamahal naming mga kapatid kay Kristo,
Inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa isang taimtim na paglalakbay ng pananampalataya sa pagninilay ng
โ๐๐ฒ๐ฝ๐ธ๐ท๐ฐ ๐๐พ๐ต๐ฒ๐ท๐ฐ ๐ฆ๐ฒ๐ด๐ช ๐ท๐ฐ ๐ช๐ฝ๐ฒ๐ท๐ฐ ๐๐ช๐ท๐ฐ๐ฒ๐ท๐ธ๐ธ๐ท๐ฐ ๐๐ฎ๐ผ๐พ๐ด๐ป๐ฒ๐ผ๐ฝ๐ธโ
na gaganapin sa San Jose Parish sa Biyernes Santo - April 3, sa ganap na ika-12 ng tanghali.
Sa mga sandaling ito ng Kanyang paghihirap sa krus, maririnig natin ang mga salita ng pag-ibig, pagpapatawad, at ganap na pag-aalayโmga salitang patuloy na umaakay sa atin pabalik sa Kanyang puso.
๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ก๐:
Ang pagninilay na ito ay hindi ipo-post o ila-live sa Facebook, kayaโt buong kababaang-loob po naming hinihikayat ang bawat isa na personal na makibahagi at maranasan ang biyaya ng sama-samang panalangin at pagninilay sa loob ng ating simbahan.
Sa ating pagdalo, hindi lamang tayo tagapakinig, kundi mga pusong handang tumanggap at tumugon sa Kanyang walang hanggang pag-ibig.
24/03/2026
Holy Week Schedule
As we enter this sacred season of Holy Week 2026, we are all invited to journey with Christ in His Passion, Death, and Resurrection.
Let us come together in prayer and reflection. See the schedule below and be guided in observing this holy time.
17/03/2026
๐Youโre Invited: An Invitation from the Little Hearts of San Jose Parish๐
On August 10, 2025, forty-seven children embarked on a meaningful journey through the San Jose Parish Sunday Catechism program.
Week after week, these young learners arrived with eager hearts to discover Godโs love. Through stories, prayers, and shared lessons, we have been privileged to watch their faith blossom.
Today, we celebrate the 35 children who have completed this path. Their dedication and innocent love for Jesus are an inspiration to us all.
Event Details
When: March 22, 2026 | 1:00 PM
Where: 3rd Floor, Formation Hall
We warmly invite our entire community to witness this Closing Ceremonyโa celebration of faith, learning, and the beautiful hearts of our children.
If your heart is moved, you are welcome to share your blessings by bringing simple gifts or tokens for these young learners. Letโs encourage them as they continue their walk with Christ.
"Let the little children come to me..."
17/03/2026
Feast of St Joseph - March 19
Sa darating na March 19, araw ng Huwebes. Ipagdiriwang natin ang Kapistahan ni San Jose, Esposo ng Mahal na Birheng Maria.
Bilang paggunita sa kanyang katapatan, kabutihan, at pagiging
Huwarang ama, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa misa-pasasalamat at pagbabasbas ng tinapay sa ganap na alas sais ng umaga sa ating parokya.
Halina at sama-sama nating parangalan si San Jose na ating Patron.
13/03/2026
Kumpisalang Bayan
Ngayong Biyernes, Marso 13, 2026, 6:00 PM, halina na at bumalik sa awa ng Diyos. Sa pagbabalik-loob ng puso, matatagpuan ang kapayapaan, pag-asa, at bagong simula. Sama-sama nating yakapin ang Kanyang pagmamahal at pagninilay sa ating pananampalataya.
20/02/2026
Monthly Diocesan Meeting of Ministry of Evangelization and Mission โจ
๐
Petsa: Pebrero 20, 2026
๐ Lugar: Diocesan Pastoral Center, Taktak, Antipolo City
Lubos ang aming pasasalamat na maging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito, kasama ang ating Kura Paroko, Rev. Fr. Cristopher Gonzales, habang patuloy tayong tumutugon sa tawag ng Diyos na mag-ebanghelyo at maglingkod. Naging mabunga at makahulugan ang ginanap na pagpupulong, na nagpapaalala sa atin na ang ating misyon ay dalhin ang liwanag at pag-asa ni Kristo sa lahat.
Higit pa rito, nawaโy patuloy tayong ma-inspire ng Mahal na Birhen ng Antipolo na maglakbay nang may pananampalataya, mag-akay ng may kababaang-loob, mag alay ng sarili at sumunod sa kalooban ng Diyos bilang mga tunay na misyonerong alagad.
Ang panayam ni Fr. ROMMEL FELIZARDO, ay nakapagbigay-linaw sa tunay at makabuluhang simbolo ng logo ng ika-400 at ika-100 Diocesan Jubilee Celebration.
Magpatuloy tayong maglakad bilang isang Simbahanโnagkakaisa sa pananampalataya at misyon, sa patnubay ng Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. ๐๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
A. Bonifacio Avenue
Cainta
1900