L.A. DEOCADIS
13/05/2025
Taos puso ko pong tinatanggap at nirerespeto ang naging pasiya ng ating mga kababayan sa naging resulta ng halalan. Bagamat hindi po ako pinalad na muli kong mapaglingkuran ang ating syudad, taos puso po akong nagpapasalamat sa aking pamilya, mga kaibigan at sa bawat isa na sumuporta at nanalig sa aking kakayahan na muling makapag serbisyo. Higit sa lahat, ang aking pasasalamat sa ating Panginoon, na sa kabuuan ay naging mapayapa ang halalan sa Imus.
Akin pong binabati ang mga nagsipagwagi at naatangan ng responsibilidad na mapangalagaan ang syudad ng Imus. Dalangin ko po na matagumpay na maisulong ang kapakanan ng mga Imusenyo, at kasama nyo po ako sa hangarin tungo sa lalong ikauunlad ng Imus.
Patuloy po tayong patnubayan ng Maykapal.
-L.A. Deocadis
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Contact the public figure
Website
Address
Cainta