Architect Ric Licup
27/06/2026
Pakikiisa sa Fiesta ng Karangalan Village ๐
Nakiisa po tayo sa banal na misa bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista ng Karangalan Village na pinangunahan ni Father Gerry.
Nawaโy patuloy na pagpalain ang bawat pamilya ng mabuting kalusugan, kapayapaan, at pagkakaisa. Maligayang Pista po sa ating lahat!
27/06/2026
Basketball Exhibition Game sa Karangalan Village ๐
Nakiisa po tayo sa Basketball Exhibition Game sa Karangalan Village bilang bahagi ng kanilang fiesta celebration. Masaya pong makita ang sigla, pagkakaisa, at sportsmanship ng ating mga residente sa isang gabi ng palakasan.
Maraming salamat sa lahat ng organizers, players, at supporters na naging bahagi ng event na ito.
25/06/2026
Happy Fiesta Karangalan Village Cainta, Rizal!
Ang tanong ng bayan: Saan nga ba talaga mas maraming magagaling maglaro ng basketballโsa Gate 1 ba o sa Gate 2?
Bukas na natin malalaman ang sagot! Samahan kami sa isang kapana-panabik na bakbakan kasama ang ating mga panauhing pandangal na tutulong sa kani-kanilang koponan upang makamit ang tagumpay at mapatunayan kung sino ang tunay na hari ng hardcourt!
๐ Saan: Karangalan Village 1B Court
๐ Kailan: 8:00 PM | Friday | June 26, 2026
Kita-kits at suportahan ang inyong pambato! ๐๐ฅ
Maraming Salamat sa tumulong para maganap ang event na ito, Brgy. Captain Ric Licup, SK Kagawad Jelo Olermo, Kagawad Bryan Sauro, Soc Pepito ng Gate 2, Eric Olermo, Kagawad Darwin Aquino, Jerome Aquino, St. Catherine Special Learning Center at iba pa. Maraming salamat sa inyo!
21/06/2026
Maligayang Araw ng mga Ama! ๐จโ๐งโ๐ฆ
Ang pagiging ama ay isa sa pinakamahalagang biyayang ipinagkaloob sa akin. Walang katumbas ang saya at katuparang dulot ng paggabay, pag-aaruga, at pagsisilbi sa pamilya.
Bilang ama ng aking mga anak at bilang lingkod-bayan na tinuturing ding ama ng maraming pamilya sa San Isidro, taos-puso akong nagpapasalamat sa tiwala at pagmamahal na inyong ipinagkakaloob.
Pagbati sa lahat ng ama. Nawaโy patuloy tayong maging huwaran ng pagmamahal, sakripisyo, at pananagutan para sa ating mga pamilya at komunidad.
20/06/2026
Suporta sa Liga ng Miguel Cruz Compound ๐
Ipinagkaloob po natin ang mga trophy at medal para sa Championship ng Liga sa Miguel Cruz Compound na pinangunahan ni Mr. Rowel Rodriguez.
Congratulations sa lahat ng koponan at manlalarong lumahok. Maraming salamat sa inyong sportsmanship, disiplina, at pakikiisa sa mga programang nagbubuklod sa ating komunidad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Cainta
1900