DepEd R-4A Calabarzon

DepEd R-4A Calabarzon

Share

Photos from DepEd Sto. Tomas City's post 11/07/2026

๐—ฆ๐——๐—ข ๐—ฆ๐˜๐—ผ. ๐—ง๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ผ๐˜€๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ž๐—ถ๐—ฐ๐—ธ-๐—ผ๐—ณ๐—ณ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น-๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐—ฑ ๐—™๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ 2026

STO. TOMAS CITY, (Hulyo 8, 2026) โ€” Matagumpay na pinangunahan ng Schools Division Office (SDO) of Sto. Tomas City ang Regional Kick-off ng School-Based Feeding Program (SBFP) 2026 na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang Schools Division Offices sa buong CALABARZON. Isinagawa ang programa sa Sto. Tomas North Central School Covered Court bilang hudyat ng patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon para sa mga mag-aaral sa rehiyon.

Bitbit ang temang nagtatampok ng pagkakaisa, malasakit, at paninindigan para sa kalusugan, nutrisyon, at tagumpay ng bawat mag-aaral, nagsilbing daan ang programa upang pagtibayin ang sama-samang adhikain ng Department of Education na matugunan ang malnutrisyon at maisulong ang mas mataas na antas ng pagkatuto sa pamamagitan ng wastong nutrisyon.

Pinangunahan ng mga opisyal ng DepEd Regional Office IV-A CALABARZON at ng Schools Division Office of Sto. Tomas City ang pagbubukas ng programa. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Neil G. Angeles ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mga mag-aaral upang matiyak na sila ay magkakaroon ng sapat na nutrisyon na magsisilbing matibay na pundasyon ng kanilang kalusugan, pagkatuto, at pangkalahatang pag-unlad. Ayon sa kanya, ang School-Based Feeding Program ay hindi lamang tumutugon sa agarang pangangailangang pangnutrisyon ng mga bata kundi isa ring mahalagang hakbang upang mapabuti ang kanilang pagganap sa paaralan at mabigyan sila ng mas maliwanag na kinabukasan.

Sinang-ayunan naman ito ni RD Carlito D. Rocafort, na nagsabing ang School-Based Feeding Program ay isa sa mga pangunahing programang nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon sa mga mag-aaral sa buong rehiyon. Ipinahayag niya ang hangarin ng DepEd CALABARZON na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga paaralan, lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang, walang batang maiiwan sa CALABARZON pagdating sa kalusugan, nutrisyon, at de-kalidad na edukasyon.

Naging tampok din sa programa ang pagbabahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan sa pagpapatupad ng SBFP, at pagpapakita ng iba't ibang inisyatibang naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga batang mag-aaral. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga delegado mula sa iba't ibang Schools Division Offices ng CALABARZON na magbahaginan ng mga estratehiya, makabagong pamamaraan, at matagumpay na mga praktis sa pagpapatupad ng School-Based Feeding Program.

Sa pamamagitan ng matagumpay na pagho-host ng Regional Kick-off, muling ipinamalas ng Schools Division Office of Sto. Tomas City ang matatag nitong pamumuno at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng kapakanan ng mga mag-aaral. Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na paninindigan ng Department of Education na ang bawat batang Pilipino ay nararapat magkaroon ng sapat na nutrisyon, malusog na pangangatawan, at pantay na pagkakataong magtagumpay sa pag-aaral.

Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang School-Based Feeding Program sa pagbuo ng isang mas malusog, mas masigla, at mas handang henerasyon ng mga mag-aaral sa CALABARZONโ€”isang rehiyong nagkakaisa sa layuning matiyak na walang batang maiiwan, at bawat batang Pilipino ay busog, malusog, at handang matuto.

09/07/2026

WE ARE HIRING!

DepEd CALABARZON is looking for the following: Education Program Supervisor, Accountant I and Administrative Assistant III (Senior Bookkeeper).

Please refer to Regional Memorandum No. 425 s. 2026 titled "Announcement of Vacancies for Education Program Supervisor, Accountant I and Administrative Assistant III (Senior Bookkeeper)" through https://career.depedcalabarzon.ph for more information and details.

Photos from DepEd R-4A Calabarzon's post 08/07/2026

LOOK: Regional Kickoff of the School-Based Feeding Program, July 8 . Tomas North Central School, Sto. Tomas City, Batangas
#๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—˜๐—ฑ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€

08/07/2026

As the Administration strengthens its initiatives to address undernutrition and short-term hunger among public school learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. joins the Department of Education (DepEd) for the national kick-off of the School-Based Feeding Program (SBFP) and the Milk Feeding Activity at Pulilan Central School in Bulacan on July 8, 2026.

The SBFP is the governmentโ€™s flagship school nutrition intervention implemented by the DepEd pursuant to Republic Act No. 11037 or the Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act. For School Year 2026-2027, the SBFP is set to implement universal feeding for all Grade 1 learners nationwide, while continuing to provide hot meals, nutritious food products, and milk to all Kindergarten learners and Grades 1-6 learners identified as Severely Wasted (SW) and Wasted (W).

There are more than 775 SBFP beneficiaries at Pulilan Central School this school year.

Photos from DepEd R-4A Calabarzon's post 07/07/2026

WE ARE HIRING!

DepEd CALABARZON is looking for Technical Assistant IV (under Contract of Service) who will be stationed in the following offices: DepEd CALABARZON Regional Office, SDO Bacoor City, SDO Calaca City, SDO Carmona City, SDO Quezon Province, and SDO Rizal Province.

Please check for the photos for the qualification standards and requirements. Submit the requirements to the following email addresses:
* to: [email protected],
* cc: [email protected]

Deadline of submission is until July 15, 2026.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cainta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Cainta
1900

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm