IDT Pilipinas

IDT Pilipinas

Share

08/07/2026

Piliing maging mabuti sa lahat ng pagkakataon sapagkat ang bawat araw ay magiging parte din ng nakaraan.

فَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ ۝ وَمَنْ“ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَرًّا يَرَهُ“

“Sinuman ang gumawa ng kabutihang kasimbigat ng isang katiting ay makikita niya ito. At sinuman ang gumawa ng kasamaang kasimbigat ng isang katiting ay makikita rin niya ito.”

— Qur'an, Surah Az-Zalzalah (99:7–8)

02/07/2026

Sinabi ni Allah sa Qur'an:
لَئِن شَكَرْتُمْ لَأَزِيدَنَّكُمْ

"Kung kayo ay magpapasalamat, tiyak na daragdagan ko pa kayo."
— Qur'an (14:7)

29/06/2026

Ang bawat paglalakbay sa da'wah ay nagpapaalala sa atin na ang buhay ay may katapusan. Ngunit sa kabila nito, hindi tayo nagdadalamhati, sapagkat nagiging daan ito upang lalo nating maalala si Allah. Lagi nating isaisip na ang puso ay hindi nagkakaroon ng tunay na kapanatagan sa dami ng ari-arian, kundi sa pag-alala kay Allah.

Sinabi ng Allah sa marangal na Qur'an:
"Katotohanang sa pag-alala kay Allah ay nagkakaroon ng kapanatagan ang mga puso."
(Surah Ar-Ra'd 13:28)

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cagayan de Oro?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Cagayan De Oro