Jane's Library
29/06/2023
C R I S T I N A
Written by: Jane
âš Read at your own risk! This chapter is not suitable for you if you have a weak mentalâš pero kung matigas ang ulo mo sige go!
CHAPTER 14
“oh! Ipaliwanag mo iyan ngayon!” bulyaw ng ama ni Dina
“H-hindi po ito totoo...h-hindi” ani Dina habang umiiling
“Anong hindi totoo!?” galit Na tanong ng ama
Ipinaliwanag ni Dina ang lahat sa kaniyang mga magulang, tahimik namang nakikinig ang kaniyang ina sa kaniyang kwento at nagulat ang ama dahil sa natuklasan
“Ano!? Ibig mong sabihin hindi totoo iyang nasa sulat niya!?” galit Na tanong ng ama at tumango-tango lamang si Dina bilang sagot habang umiiyak
Batid ng ama Na nag sasabi ng totoo ang anak dahil higit siyang mas nakakakilala dito
“Ang hayop Na iyon! Nagawa ka pa niyang siraan saamin!” galit Na lintanya ng ama
Hindi makapaniwala si Dina sa ginawa ng kaniyang asawa batid niyang hindi Na nga siya mahal nito dahil nagawa pa nitong mag sinungaling para lang mapag takpan ang kaniyang ginawang kapabayaan sa kanila ng anak niya, kaya naman ay labis siyang nasaktan ng subra subra.
Parang gumuho ang mundo ni Dina sa isang iglap, alam niyang pabaya ang kaniyang asawa ngunit mahal niya parin ito sa kabila ng lahat, ang hindi niya matanggap ay iyong binitawan nalang siya basta-basta Na para bang basahan, hindi niya lubos ma isip kung ano ang ginawa niyang kasalanan gayong wala naman siyang ginawa kundi ang magpaka asawa rito. Pakiramdam ni Dina ay ipinagkalono Na siya ng kaniyang asawa at nagawa pa mismo nitong mag sinungaling sa kaniyang sariling magulang para lang magalit ang mga ito sa kaniya
Sa subrang sakit na naramdaman ni Dina hindi Na siya maka kilos ng maayus, pakiramdam niya ay walang kwenta ano man ang gawin niya
Kumuha siya nang lubid at tinali iyon sa kanilang bobong pagkatapos ay hinila niya ang mesa at pumatong roon, iginapos niya ang leeg sa dulo ng lubid
Nanginginig ang kaniyang mga tuhod habang naka patong sa mesa, luminga-linga siya habang tahimik na umiiyak Saktong walang Tao dahil nasa trabaho ang kaniyang ina Na si Nilda at ang ama naman niya ay abalang nangangahoy habang si Tina at ang kaniyang mga kapatid ay nag lalaro lang sa labas ng bahay nila
Umiyak siya ng umiyak at dahan-dahang kumawala sa pag kakapatong mula sa mesa
_________
Jun’s POV_
Ako si Jun kapatid ni ate Dina, 6 years old palang ako at kasalukoyan ako ngayong nasa labas nag lalaro kasama si Mae ang pinaka bunso namin Na kasing edad lang ni Tina
Tatlo lang kaming magkakapatid si ate Dina, ako at si Mae at masayang masaya ako dahil madadagdagan Na naman ang pamangkin ko dahil buntis si ate Dina sa pangalawa niyang anak
Sa kalagitnaan ng pag hahabolan naming tatlo bigla akong nauhaw kaya naman tumigil muna ako sa pagtatakbo
“teka muna Mae nauuhaw ako iinom muna ako ng tubig ha?” pag papaalam ko sa kapatid
“sige kuya” sagot naman niya at umupo muna silang dalawa ni Tina sa may malaking kahoy na kinahoy ni Papa kahapon
“gusto niyo din ba ng tubig? Mag dadala nalang ako rito para makainom din kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa
“sige kuya bilisan mo ah ikaw pa naman ang taya” sagot niya at tumango lang din si Tina bilang pag sang-ayo. Kahit kailan talaga itong si Tina para namang p**i ito
Agad akong nag tungo sa loob ng bahay at kumuha ang isang baso at pitcher, uminom muna ako bago ako ulit nag salin ng tubig sa pitcher. Habang nag sasalin ako ng tubig may narinig akong ingay mula sa loob ng kwarto
Sinundan ko ang mahinang ingay at nag tataka ako dahil parang Na sasakal Na Tao ang naririnig ko mula sa kwarto ni ate, dahan dahan Kong binuksan ang pintoan ng kwarto ni ate at nagulat ako sa nakita
Nanlaki ang mga Mata ko ng makita ko si ate Na nakabitin sa kisame! Agad akong tumakbo sa labas at hinanap ko si Papa
“PAAAAAAA!!” Malakas na tawag ko Kay papa, alam Kong nasa malapit lang siya nangangahoy
“hoy kuya! Anong nangyari sayo nasaan na ang tubig namin!” inis Na tanong ni Mae saakin ngunit hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lamang siya
“PAPAAAAAAA!!!” Malakas na tili ko
“PA SI ATE!!! PAPAAAAAA!!!” Malakas parin na tili ko
-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš
28/06/2023
C R I S T I N A
Written by: Jane
CHAPTER 13
Ilang linggo nang walang maayus Na kain sina Dina at ang kaniyang anak na si Tina at malaki ang ibinawas ng kaniyang timbang at puro sugat pa ang kaniyang balat
Napag disisyonan ni Dina na umuwi na muna sa lugar ng kaniyang mga magulang dahil bukod sa buntis siya at walang makain ay wala rin siyang ka pera-pera para sa gastosin niya sa panganganak
Hindi na nakapag paalam si Dina sa asawa dahil hindi narin naman Ito umuuwi sa kanila at ang tanging biyanan niya lang ang nag hatid sa kanila sa sakayan ng bus at pinahiram rin siya nito ang pera para may pamasahi sila
“itay kayo na ho ang bahala mag sabi Kay Dodong Na uuwi muna ako saamin” ani Dina sa biyanan
“huwag kang mag alala Dina ako Na ang bahalang mag sabi sa kaniya, mag-iingat kayu sa byahe” anito Nestor at hinaplos ang buhok ng kaniyang apo na si Tina
“Maraming-maraming salamat po sa lahat itay” sagot naman ni Dina na medyo naluluha pa
“Wala iyon Dina, pag pasensyahan mo na ang anak Kong si Dodong ha matigas talaga ang ulo nang batang iyon” pag papaumanhin naman ni Nestor Kay Dina
“Ayus lang ho itay” tipod na sagot ni Dina at ngumiti ng mapait
Bumyahe ng halos tatlong oras sina Dina at Tina at pagka rating niya sa lugar na kaniyang kinagisnan ay napa ngiti na lamang siya ng mapait ng maalala ang sitwasyon niya sa buhay niya ngayong may asawa’t anak na siya
Pagkarating niya sa bahay ng kaniyang mga magulang ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ina
“Dina? Ikaw ba iyan?” pag aalalang tanong ng kaniyang ina
“M-ma mano po” utal na sagot ni Dina sa ina sabay nag mano at nag mano din si Tina
“ang payat payat mo na Dina at puro sugat pa iyang paa at k**ay mo, ano bang pinakain sayo ng asawa mo doon at ganyan kana ka payat ngayon? Pati itong si Tina ang payat din” mahabang lintanya ng ina Kay Dina
“Anong meron diyan?” ang ama ni Dina na kakarating lang
“Si Dina ang anak mo” kalmang sagot ng ina
Sila sina Poging at Nilda, mga magulang ni Dina
“mano po pa” salubong ni Dina sa ama at pinag mano din si Tina
Pinag masdan lamang ni Poging ang kaniyang anak at apo at umuling-iling Na lamang
“pakainin mo muna sila Nilda baka hindi pa kumakain iyan at si Tina” kalmadong saad ni Poging sa asawang si Nilda
Agad namang nag saing si Nilda para sa makakain nila Dina at Tina
Pagka tapos nilang kumain ay ipinag pahinga muna ang mag-ina
Unang gabi ni Dina sa kanila ay puno ito ng lungkot at pangungulila sa asawa hindi niya ma intindihan ang nararamdaman at lagi lamang siyang umiiyak tuwing gabi
Kapag nag darasal siya tuwing gabi ay hindi niya maiwasang mapaluha sa bigat ng kaniyang dibdib
Ilang linggo ng namalagi si Dina sa piling ng kaniyang mga magulang at alam narin ng mga ito Na nag dadalantao siya at unti unti naring lumaki ang kaniyang tiyan dahil apat Na buwan Na ito
Naaaliw naman si Dina kahit papaano dahil mayroon siyang dalawang bunsong kapatid at ang pinaka bunso naman ay halos ka edad lang ni Tina kaya kahit papaano ay may kalaron narin ito at unti unti naring naging umaayos si Tina dahil madalas Na itong nag sasalita at minsan ay kumakanta-kanta pa ito kahit hindi naman niya ma bigkas ng maayus ang kaniyang kinakanta
Unti-unti ring bumangon si Dina at nakapag simula ng maliit na negosyo Na pinagkikitaan niya, akala niya ay tuloy tuloy Na ang pag bangon niya ngunit nagk**ali siya dahil isang araw umuwi ang kaniyang ama Na galit Na galit sa kaniya
“Nilda?!” Galit nagad na bulyaw nito ng makarating sa bahay nila at dali dali namang lumapit si Nilda sa asawa
“Baket? Anong nangyari?” alalang tanong agad ni Nilda sa asawa
“asan si Dina?” pagalit na tanong nito at agad Na nilagpasan si Nilda at nag tungo sa kusina, doon nakita niya si Dina Na naka upo sa upoan sa may mesa
“pa?” takang tanong ni Dina Na may halong pag-aalala
Hinagis ni Poging ang subri na nag lalaman ng sulat sa mesa
“basahin mo” malamig na utos ni Poging sa anak
Nanginginig at dahan-dahang pinulot ni Dina ang subri, hindi pa man niya ito Na bubuksan ay kumalabog Na ng malakas ang kaniyang dibdib sa di malamang dahilan
“Ano bang pinag gagawa mo doon sa bukid at baket ganiyan ang sinulat ni Dodong!? Akala ko ba maayus kang tumira doon?” Galit Na sabi ng ama
Tiningnan ni Dina ang subri at na buksan Na pala ito hindi Na siya nag taka kung baket galit Na galit ang kaniyang ama pero ang ipinag tataka niya ay kung ano nga ba ang nilalaman ng sulat at baket ganoon nalang ma galit ang kaniyang ama sa kaniya?
Binuklat ni Dina ang sulat at binasa ito
“Dear Mama at Papa,
Pasensya na ho kayo at hindi ko Na matiis si Dina umalis kase siya nang hindi nag paalam sa akin at bago pa siya umalis ay nag nakaw po siya ng manok dito at inulam niya, iyong manok Na iyon ay hindi ho akin iyon pinaalagaan lang ho iyon sa akin. Sana maintindihan niyo ho ako, ayuko ko na hong bumalik pa si Dina dito isinasauli ko Na ho siya sa inyu dahil subrang tamad po niyan dito halos ako ho ang gumagawa lahat pati pag sasaing at pag l
21/06/2023
C R I S T I N A
Written by: Jane
CHAPTER 10
PAG PAPAKILALA_
“Hilahin mo na” Tisoy
Dahan-dahang hinila ni Orlando ang lubid na isinampay niya sa ibabaw ng puno at unti unting lumutang ang kaniyang kapatid na si Randy na tinalian ni Tisoy ng lubid sa mga paa nito
Mahinang napatawa si Dodong sa kagagohan na ginagawa ng dalawang mga kapatid niya.
Nagising si Randy na tila nakabaliktad ang ulo niya at nasa itaas ang mga paa na nakatali sa lubid
“P*tang*na!!!!!” sigaw ni Randy.
Humagalpak naman ng tawa ang tatlo
-Ako si Orlando, pangalawa sa aming limang magkakapatid. Ako ang pinaka pilyo sa amin at katuwang ko ang bunso naming si Tisoy sa mga kagagohan na ginagawa ko at ang kakawa sa amin ay itong si Randy dahil siya ang lagi naming napag titripan
Hindi ko kase mapag tripan ang panganay naming si Dodong dahil hindi magandang galitin ang isang iyon
Sa aming lahat ako ang pinaka gwapo...
“Hoy mukhang unggoy! Ibaba mo’ko dito!” sigaw si Randy at nilingon ko siya
“Ano sabi mo?” saka dahan dahang lumapit sa kaniya
“Ang sabi ko ibaba mo ako dito!” sigaw niya ulit
Tumawa lamang si Tisoy at si Dodong
“Pustahan tayo uto-uto na naman tong si Orlando” mahinang sabat ni Tisoy kay Dodong at tumango-tango lang si Dodong habang naka ngisi
“Hindi kita narinig” sabi ni Orlando habang naka tingala at naka ngisi
“tang*ina nangangalay na ako dito!” sigaw ulit ni Randy
“Sige ibababa kita diyan pero sabihin mo muna kung sino ang pinaka gwapo sa ating apat” mayabang na lintanya ni Orlando
Lihim namang nag tatawanan ang dalawa sa likod
“Ikaw! Ikaw na, ikaw ang pinaka gwapo sa lahat!” sigaw ni Randy
Ngumisi naman si Orlando at bumaling sa mga kapatid niya na nasa likuran
“oh! Narinig niyo iyon?” mayabang na tanong ni Orlando sa dalawa at pasimple lang na tumango ang mga ito bilang tugon sa kaniya
Pinakawalan ni Orlando si Randy at nang makatayo na ito
“ikaw na, ikaw na ang pinaka gwapong unggoy sa lahat” bulalas ni Randy sabay hampas ng lubid kay Orlando
“Ano!?” ani Orlando at akma na sanang hampasin si Randy pabalik nang mag salita si Dodong mula sa likuran nila
“may lakad pa tayo” sabat nito na naka pamaywang pa
Sh*t nakalimutan ko, birthday pala ng anak ni Inday ngayon, pag di kami dumating lagot kaming apat do’n maldita pa naman yun na kahit si Dodong di ma pantay-pantayan ang ugali non
“tara na tutulong pa tayo sa pag katay nang iihawin natin mamaya” sabi ko at sabay-sabay na kaming nag tungo sa bahay ni Inday
End of POV*
Nag tungo ang apat sa kabilang dako ng bukid, dumaan sila sa ilog at paakyat ng bundok pagkatapos ay dumaan sa isang mahabang tulay. Ilang milya pa ang kanilang nilakad bago makarating sa paroroonan nila
-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cagayan De Oro City
Cagayan De Oro