RADIO TM FM 95.1 MHz

RADIO TM FM 95.1 MHz

Share

25/01/2026

NAKALIGTAS SA AMBUSH SI MAYOR AMPATUAN NG SHARIFF AGUAK; DALAWA NAMANG ES**RT ANG NASUGATAN

Linggo ng umaga, Enero 25 – Nakaligtas sa isang pag-ambush si Shariff Aguak Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Ayon sa impormasyong ipinaabot ni Secretary to the Mayor Anwar Emblawa, dalawa sa mga es**rt ng alkalde ang nasugatan sa insidenteng naganap ngayong umaga.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring isinasagawa ang imbestigasyon upang matuklasan ang mga sanhi at mga taong kasangkot sa pag-atake.
Il Tet Uyag//
(Photo Hadji Oping Ampatuan Facebook)

04/08/2025

JUST IN: Ilang residente ng Puerto Princesa, Palawan at mga kalapit bayan ang ginulantang ng malakas na pagsabog na sinundan ng pagyanig ngayong Lunes ng gabi.

Hindi pa naman kinukumpirma ng mga otoridad kung ito ay may kaugnayan sa rocket launch ng China.

Una nang naglabas ng advisory ang Philippines Space Agency na magkakaroon ng launching ang Long March 12 rocket ng China kung saan natukoy ang drop zones nito sa 18 nautical miles mula sa Puerto Princesa.

30/07/2025

Shabu dealer konektado sa mga terrorists, timbog sa PDEA-BARMM

Isang narcotics dealer na sinasabing may koneksyon sa dalawang mahina ngmga terrorist groups ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine DrugEnforcement Agency na kanyang nabentahan ng limang gramo ng shabu sa isangentrapment operation sa Barangay Balacayon sa Pahamuddin sa probinsya ng Cotabatonitong Martes, July 29, 2025.

Kinumpirma ng mga local executives at ng mga Moro leaders sa Pahamuddin namasigasig ang suporta sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan na malibansa shabu na nagkakahalaga ng P34,000, nakumpiskahan din ang suspect ng isang MK2 fragmentationgrenade, isang .45 caliber pistol at isang improvised 5.56 millimeter revolver.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM,naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga local executives at ng mga tropang 34th Infantry Battalion na isang component-unit ng 602ndInfantry Brigade.

Ang Pahamuddin ay isa sa walong mga bagong tatag na mga bayan na nasa SpecialGeographic Area ng Bangsamoro region sa Cotabato province na sakop ng Administrativeregion 12.

Ayon sa mga kakilala at mga community leaders sa Special Geographic Area,ang nakadetine ng suspect ay matagal ng pinagdududahang may koneksyon sa parehong mga mahina ng magka-alyadong DawlahIslamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kaya ito laging may bitbit na mgagranada at nagtatago pa diumano ng mga improvised explosive devices sa kanyang mga hideouts.

Kilala ang Dawlah Islamiya at BIFF na nagkakanlong ng mga ma*****na at shabu dealers at mga wanted sa mga kasong nakabinbin sa mga korte kapalit ng pera.

Pinasalamatan ni Castro ang mga opisyal ng 34th IB at angkanilang immediate-superior, si Brig. Gen. Ricky Bunayog ng 602ndInfantry Brigade, sa kanilang suporta sa entrapment operation na nagresulta sapagkaaresto ng suspect, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

09/07/2025

P578K halaga ng shabu nasamsam sa South Cotabato

Agad na nadetine ang isang 45-anyos na lalaki matapos mabilhan ng mga hindi unipormadong anti-narcotics agents ng P587,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Kipalbig sa Tampakan, South Cotabato nitong Lunes, July 7, 2025.

Sa ulat nitong Miyerkules ni Benjamin Recites III, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-12, nasa isang detention facility na ang suspect, nasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Mapayapang nagpa-aresto ang suspect ng mahalatang magkasanib na PDEA-12 agents at mga operatiba ng Tampakan Municipal Police Station at ng iba’t-ibang units ng South Cotabato Provincial Police Office pala ang kanyang nabentahan ng 85 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P578, 000, sa isang entrapment operation sa Purok Bonifacio sa Barangay Kipalbig.

Ayon kay Recites, malaki ang naitulong sa paglatag ng naturang entrapment operation ng mga residente ng Tampakan, mga local officials at mga Blaan tribal leaders na unang nag-paabot sa kanila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng suspect ng shabu sa kanilang bayan. (July 9, 2025)

Want your business to be the top-listed Media Company in Buluan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Buluan
9616