Dagitab

Dagitab

Share

10/04/2026

Good luck, Gleamers!🎙✨️

TO ORMOC CITY!

The Bulan National High School family wishes you the best of luck on your NSPC journey. Your hardwork, late nights scriptwriting, all-day trainings, patience, and dedication will surely pay off. 💪

You’ve got this! Trust your prep, trust yourself, and go crush it! 🫡

Ngayon palang, proud na kami sainyo! 🫶

Photos from Dagitab's post 16/10/2025

𝗕𝗡𝗛𝗦, 𝗡𝗮𝗴-𝘂𝘄𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 𝗠𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗦𝗧𝗙-𝗥𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟱

Muling pinatunayan ng mga batang mananaliksik ng Bulan National High School ang kanilang husay at talino matapos masungkit ang unang pwesto sa tatlong kategorya na Life Science, Physical Science, at Robotics and Intelligent Machines Individual, sa katatapos na Division Science and Technology Fair and Robotics Olympics na ginanap noong Oktubre 6–8, 2025.

Hindi rin nagpahuli ang iba pang kalahok ng BNHS matapos masungkit ang ikalawang pwesto sa kategoryang Physical Science at Mathematics and Computational Science Team, gayundin ang ikatlo at ikaapat na pwesto sa Robotics Olympics sa kategoryang RC Soccer at Sumobot.

Bagama’t labing-apat lamang na mga mananaliksik mula sa BNHS ang lumahok sa nasabing kompetisyon, nagningning pa rin ang kanilang tagumpay matapos kilalanin ang paaralan bilang Over-all 1st Runner-up mula sa labing-apat na paaralang kalahok.

✍🏻: Lyca Doroja (Brodkaster)
🎨: Rayver Gustuir (Web Editor)

Photos from Dagitab's post 27/07/2025

𝙈𝙜𝙖 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙮𝙖𝙜 𝙣𝙖 𝙈𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙡𝙗𝙞𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙬𝙖𝙣𝙖𝙜 𝙨𝙖 𝙇𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙮𝙖𝙜!

Mainit na pagbati sa mga mag-aaral na dumalo sa pagsusuri at pagsisiyasat na nagpakita ng galing at talento sa 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵, 𝘱𝘢𝘨𝘨𝘶𝘩𝘪𝘵, 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢.

Kayo ang mga napiling 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴𝗮𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗴𝘂𝘆𝗼𝗱 ng kaluwalhatian ng pampahayagan ng 𝗗𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗕— 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘴𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘢𝘵 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘺𝘰 sa panibagong responsibilidad ng pahayagan.🗞️🪶

Simula na ng inyong paglalakbay para sa mas makabuluhan at makasaysayang paglilingkod sa paaralan at sa lipunan. Patuloy na 𝙢𝙖𝙣𝙞𝙣𝙙𝙞𝙜𝙖𝙣, 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙞𝙨𝙖, 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙖𝙣 tungo sa katotohanan.✊🏻

At sa mga hindi pinalad, sana'y hindi mawala sainyong 𝘱𝘶𝘴𝘰'𝘵-𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘱𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘩𝘦𝘮𝘱𝘭𝘰 sa bawat isyung ikinahaharap ng sambayanan. Kayo ay patuloy pa ring magsisilbing tulay upang mamulat ang bagong henerasyon.

Muli, isang maligayang pagbati sa mga mamamahayag na magsisilbing 𝙇𝙞𝙬𝙖𝙣𝙖𝙜 𝙨𝙖 𝘿𝙞𝙡𝙞𝙢. Ang bagong tagapag-ulat bilang sandigan at boses ng kabataan. 🎙️

Want your business to be the top-listed Media Company in Bulan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Bulan National High School
Bulan