Ruan Writes

Ruan Writes

Share

25/08/2024

LOVE YOU, FORBIDDEN

“Kung kailan mahal ko 'na saka ko pa nalamang hindi kami pwede.”

----

Angela POV

Kung kailan patapos na ang school year at graduating saka pa ako nagkaroon ng crush. Kainis talaga.

Si Cephas ang aking crush na mahal ko na ata. Alam niyo 'yung kahit pala gaano pa kataas ang standard mo basta napagtripan ka ni kupido e bigla mo nalang malilimutan ang standard mo.

TVL-ICT student si Cephas same kaming graduating na. Alam niyo iyon? Isang buwan nalang matatapos na ang school year at ga-graduate na kami saka ko pa siya naging crush.

Well matagal ko naman nang napapansin si Cephas dati pero nito lang ng dahil sa nagkasabay kaming bumili sa Canteen ng tubig at minsang nakatitigan kami sa harap ng faculty habang may hawak siya na mga notebook ay bigla nalang bumagal ang mundo ng makita ko siya.

Totoo pala iyon nah? Parang ang cringe pero totoong nangyari sakin ang ganoong bagay.

Mula ng magtitigan kami sa harap ng faculty ay hindi na siya nawala sa isip ko doon na ako nag imagine ng mga sweet scenario namin ehehehe.

Tipong kapag naging mag-jowa na kami ay gusto ko lagi kaming magka holding hands tapos gusto ko may good-bye kiss palagi. Kapag nagtatampo ako ay susuyuin niya ko tapos sasabihin niya na "Sorry na baby, Diko na uulitin nagbibiro lang naman e. I love you."

Shucks! Ang sweet naman!

Ilan kaya gusto niyang anak namin? Saan kaya kami titira? Teka kailan kaya siya mag propose sakin?

Ang sweet siguro namin kapag kami na ehehehe.

Well gaya ng palaging nangyayari ay hindi niya ko mapansin-pansin. Halos tambay na ako sa harap ng room nila wala rin parin.

Isa sa napapansin ko kay Cephas ay masyadong mahinhin, palatawa namin siya pero moderate alam niyo iyon? Parang lahat ata ng bahay ay limitado Basta parang ang tino-tino niya.

Gusto ko 'yung mga ganito e matino kunwari pero wild.

In-Add ko na siya sa Facebook pero tatlong araw na ay hindi niya parin ako in-accept kapag talaga inabot pa ito ng isang linggo ay uncrush na sakin itong si Cephas pero sempre joke lang iyon.

Palapit na ng palapit iyong graduation namin pero mukhang hangin parin ako sa kaniya...

Alam na niyang crush ko siya dahil sinabi ng friend ko pero wala parin ewan ko ba siguro ay hindi niya lang talaga ako ang type niya o baka hindi siya nag syo-syota.

Pero mali ako! Kaya pala hindi niya ako napapansin ay hindi dahil sa hindi niya ako tipo o dahil hindi siya nag syo-syota kundi dahil ay meron na pala siyang commitment.

Commitment sa Diyos.

Isa pala siyang Sakristan na nakatakda nang maging pari.

Nagulat talaga ko ng malaman ko iyon lahat ng mga delulunes ko ay parang bigla nalang nawasak.

Sino ba naman ako para makipag kompetensya sa impisa palang ay pinili na niya. Sino ba ako? Isa lang naman akong makasalanang tao.

Kahit na malungkot ako at sinusukang mag move on ay crush ko parin siya. Napapangiti parin ako kapag nakikita siya.

Graduation came at binalak kong umamin na mismo sa kaniya kahit na alam ko na wala namang patutunguhan lahat.

Naisip ko nalang na it's now or never kahit na hindi kami pwede atlis ni minsan sa buhay ko ay naging matapang ako. Na umamin ako sa crush kong mag pa-pari.

After program ay doon ko balak umamin pero sa kasamaang palad ay hindi ako binigyan ng pagkakataon. Siguro plano narin ito ng kalangitan. Ayaw siguro talaga ng langit sa plano ko kaya kahit na ganoon ay hindi niya ako binigyan ng tiyansa.

Pero kahit na ganoon ang nangyari ay magiging baon ko parin ang experience na ito na minsan sa buhay ko ay nagmahal ako ng alagad ng Diyos.

(8 years later)

I already graduated. BS Civil engineering ang tinapos ko. Sa awa ng langit ay nakapasa agad ako ng board sa unang subok lang. Everything is fine may sarili na akong bahay at may ipon sa bangko pero kahit na ganoon ay may isa pa akong problema.

Pano ba naman kase amo't-sari ang tanong na "Kailan ka mag-aasawa?" Kahit ako ay hindi ko alam. Sa nakalipas naman na walong taon ay may naka date naman ako pero wala akong naging boyfriend siguro dahil ay hindi ko lang mga tipo.

Pero napagisip-isip ko ay tama sila Mama. Tumatanda na ako kaya kailan ko nang maghanap ng makakapareha ko pero saan ko hahanapin?

Kaya naman ay pumunta ko sa simbahan para magdasal. Ipagdarasal ko na sana ay bigyan na niya ako ng boyfriend iyong matangkad, Pogi at mabango.

Maraming bakanteng upuan sa simbahan mayroon ding ilan-ilang tao na nagdarasal. Naupo ako sa gilid at doon taim-tim na nagdasal.

Nagpasalamat ako sa kaniya at sa lahat ng blessing niya sakin at humiling ako na sana bigyan na niya ako ng boyfriend dahil handa na ako.

Sinabi ko rin na sana ngayon ding araw 'yung parang sa mga pelikula at libro? 'Yung tipong kapag labas ng ko ng simbahan ay madadapa ako pero may sasalo sakin tapos magpapalitan kami ng number at magiging friend kami sa Facebook hanggang sa ligawan niya ako at sagutin ko siya and then happy ending.

Matapos kong magdasal ay patayo na sana ako ng may natanaw akong isang bulto. Na surprise ako ng makita ko siya... ulit. Si Cephas...

Makalipas ang walong taon ay muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Napangiti ako ng makita ko siya.

Siguro ay natupad niya narin ang pangarap niya at alam ko na masaya siya sa pinili niya.

He's wearing white.... Simple white shirt at pantalon. Maaliwalas ang mukha niya mukhang masaya at kontento sa buhay.

Nang mapansin niya ako ay kumunot ang noo niya mukha pang hindi ako nakilala well mas maganda na kase ako ngayon.

Kalaunan ay napangiti rin ito ng makilala ko. Nagkamustahan kami. Tinatong niya ko kung anong ginagawa ko sa simbahan at sinagot ko naman siya na nagdasal ako ng marinig niya iyon ay tinawanan niya ko. Alam niya kase na atheist ako noon.

Tinanong korin siya kung anong ginagawa niya sabihin. Hindi naman siya pari para palaging nandirito. Sinagot niya ko na.

"Nagpa-schedule lang ng date for christening."

Napangiti ako sa sinabi niya at inalala ang nangyari 8 years ago.

(Flashback)

Lalapitan ko na sana si Cephas ng mapatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kaklase kong si Jennifer na lumapit dito.

Abala ang mga tao sa loob ng gym kung saan ginanap ang graduation at tahimik ang lugar kung nasaan si Cephas at Jennifer.

Nagtago ako sa isang puno para marinig ang pagusapan nila. Curiosity is killing me right now. Kahit mali ang makinig sa usapan ng iba ay parang hindi ko kayang maiwasan ngayon.

"I love you, Jennifer."

Nang marinig ko iyon ay ramdam kong nawasak ako.

"Hindi na ko tutuloy ang pagpa-pari mas pinipili kita."

Everyone of us deserve to love and loved kaya alam ko na kung ano man ang pinili ni Cephas ay maintindihan siya ng Diyos.

(End of Flashback)

Nagkatuluyan pala talaga sila ni Jennifer at ngayon ay magpapabinyag pa sila sa pangalawa nilang anak.

Tinanaw ko nalang sila ni Jennifer habang palabas sila ng simbahan. Masaya ko para sa kanila masaya din palang maging masaya sa iba.

Umpisa palang ay ako lang naman ang umasa sa lahat. Umasa na sana isang araw ay mapansin niya ako na isang araw ay matupad lahat ng mga nai-imagine ko lang pero kahit na hindi na matutupad ang mga iyon ay masaya parin ako na naging parte siya ng buhay ko.

I loved him, even it's forbidden...

Write: 5/29/2024

Ruan Auguste

19/06/2023

UNWANTED DAUGHTER (Part 2)

"P-pansensya na kayo Mr. Cervantes itong kaseng babaeng 'to–"

"What about my wife?" Masungit ang boses ni Zayn. Nagkatinginan ang mag Ama.

"Let go of her Mr Lim."

"Hu?"

"You heard me." Binitawan ako ni Mr Lim.

Naramdaman kong pumulupot sa bewang ko ang braso ni Zayn at mas lalo akong nilapit sa kaniya.

"Wife? Zayn? Asawa mo yan si Janica?"

Takang-taka ang mata ni Cindy.

"Do I know you?"

"Nagkita tayo sa US remember sa isang Par–"

"Wala akong maalala."

Bumaling siya sakin bago ako sinuri ng makita niya ang namumula kong braso ay napaitim bagang siya.

"Oras na makita ko ulit ang ginawa mo sa asawa ko hindi lang kompaniya niyo ang magiging kabayaran 'nun." Makahulugan na sabi niya.

"T-teka lang naman Mr. Cervantes–"

"Nalulugi na kayo diba?" Tumaas ang tingin ko kay Zayn.

"Pwede naman sigurong I set aside natin ang personal na bagay sa trabaho diba?"

"Well I don't."

"Actually we here para pakiusap na bigyan pa kami ng palugit sa pagbabayad ng utang namin sa kompaniya."

Bumaling si Zayn sakin. "What do you think, babe?"

"Huh?" Taka akong tumingin kay Zayn.

"What do you want me to do about them?"

Hindi ako nakasagot. I don't know what to say.

"Hayaan mo sila." Humawak ako sa kamay ni Zayn saka siya hinila.

Paalis na sana kame kaso natigil kami ng hawakan ni Cindy ang braso ni Zayn.

"Please Zayn? Nakikiusap kami." Nakikiusap na sabi nito.

"Janica, please? We still sibling after all. We're family."

Parang nagpanting ang tenga ko. Family?

"We're not family, Kaya 'wag mong sabihin pamilya tayo dahil hindi!"

"Hayaan mo 'na Cindy, ganyan talaga ang tao kapag nakakaangat sa buhay hindi na alam ang utang na loob."

Mas lalo akong nagalit ng marinig ko 'yun mula kay Lim.

"Utang na loob?! Wala akong utak na loob sa inyo! Alam niyo 'yan! Ni piso hindi ako nakatikim sayo! Alam mo kung ilang beses kong sinabi sayo na kunin mo 'ko doon sa ampunan dahil inaaway nila ko kung ano-anong sinasabi nila sakin. Pero wala kang ginawa nagalit ka pa sakin! 'Yang nangyayaring 'yan sa inyo Karma niyo 'yan! Maybe Zayn is right hindi lang kompaniya niyo ang kukunin namin I want you all to pay for causing me a damage."

Mabilis akong naglakad palabas sa lugar na 'yun mabilis namang sumunod si Zayn sakin.

"Clam down, Janica. Dahan-dahan sa paglalakad baka madapa ka."

"Sila ba 'yung sinasabi 'mong special guest?" Huminto ako at hinarap siya.

"Hindi nakakatuwa, Zayn." Seryosong sabi ko.

"What? Of course not! Hindi ko nga alam na pumunta sila e hindi naman sila invited. Hindi sila 'yung special guest na sinasabi ko may dadating kase na singer 'yung idol mo."

"Si Natalya?"

"Oo." Kumamot siya sa ulo.

"Balik tayo basta paalisin mo sila."

"Sure." Umakbay siya sakin bago kami sabay na bumalik sa loob.

Mabuti ng makabalik kami ay wala na ang dalawa kasabay naman 'nun ang pagdating ng paborito kong singer na si Natalya. Ang ganda niya sa personal.

Days fast ang balita ko tuluyang nalugi ang kompaniya ni Mr Lim, hindi naman ako ganoon kasama kaya binigyan namin sila ng tatlong taon palugit para makabayad sa bangko ng asawa ko.

Kahit ganoon ang ginawa nila sakin ay naawa parin ako sa kanila kahit na ni isang beses ay hindi sila nagkaroon ng pake sakin.

"What do you want to eat later, babe?" Tanong ni Zayn.

Nasa grocery store kami hawak ko ang kamay ni Zion. Kanina ko pa nga pinipigilan ang bata na kumuha ng mga candy.

"Sinigang." Sagot ko kaya bumusangot ang mukha niya.

"Sinigang, Again?" Ngumuso pa siya saka lumapit sakin at akmang hahalik ng pigilan ko siya dahil magiging PDA kami. Landi niya talaga.

Hinaplos niya nalang ang limang buwan ko nang tiyan kaya napangiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam 'yung may buong pamilya.

"J-Janica?" Nabaling kami ni Zayn sa isang babae.

Tanda ko ng huli ko siyang nakita ay hindi pa siya ganito. Puno siya ng alahas, makinis ang balat at mukhang angat sa buhay hindi gaya ng babaeng nasa harap ko ngayon payat at luma ang suot na damit.

Siya ang babaeng nagsilang sakin. . .

"Ikaw ba 'yan Janica?" Tanong niya.

"May kailangan ho ba kayo? Mrs Castillo?"

"A-Ano wala." Ngumiti siya. Mapait na ngumiti. Bumaling ang tingin niya kay Zion at kay Zayn dumulas din ang tingin niya sa tiyan ko.

Look at me know, ito 'yung iniwan mo!

Kahit saan ko tignan hindi ko maisip kung paano niya ako nagawang iwanan. Hindi ko nga lang makita si Zion ng isang araw ay parang mamatay ako sa pag-aalala.

"Asawa mo?"

"Oho."

"Mabait sayo?"

"Opo."

"Anak niyo 'yan bata?"

Tumango ako.

"Gusto ko lang kitang kamustahin."

"Huli na po 'yung pangangamusta niyo."

Tumango-tango siya at ngumiti sakin.

"Masaya akong masaya ka." Mahinang sabi niya. Bigla tuloy parang may bumara sa lalamunan ko.

"Mauuna na po, kami." Hinila ko na sila Zayn para makaalis na doon dahil parang hindi siya kayang makita sa ganoong kalagayan.

Karma ba 'yung nangyayari sa kaniya o nakatakdang mangyari na sa kanila iyon? That's bad. Hindi dapat ganoon ang nangyari sa kanila dapat pinatunayan nila sakin na karapat-dapat akong iwanan dahil mas umasenso sila.

Pero kabaliktaran ang nangyari. Naghihirap sila habang ako maganda ang buhay ko at masaya. I deserve this sa lahat ng pasakit na daramdaman ko.

"Mahal kita, always remember that. Ikaw ang pinakamagandang natanggap ko sa buhay. I still can't believe na nabusan lang kita ng juice noon, Asawa na kita at Ina ng mga anak ko ngayon. I love you Janica. Palaging ikaw at ikaw lang ang paulit-ulit kong pipiliin. Hindi ako magsasawa."

"Thank you for saving me."

Life is not always full of rainbow sometimes life is like a rain ft. Thunder and lighting.

Pero diba may kasabihan 'There's a rainbow after the rain. kaya huwag tayong mapagod maghintay matapos ang pagulan dahil lahat ng ulam ay may takapusan.

I'm unwanted Child, never akong pinili. Kaya 'nung bumuhos ang ulam nabasa ako dahil wala akong masilungan, pero may isang taong dumating hindi niya ko hinayaang magisang mabasa kundi sinamahan niya ko.

May isang hindi ako hahayaang mabasa pa ng ulan masama 'man nanatili siyang nasa tabi ko at hindi ako iiwan.

"Til death to us part." Bulong niya bago ako mahigpit na niyakap.

Written by RUAN AUGUSTE

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Bocaue
Bulacan