PitikHenyo

PitikHenyo

Share

06/03/2026

Tulad ng ulap, ang ganda mo ay nakakagaan sa pakiramdam at hindi nakakasawang pagmasdan. Sa bawat pagtingala ko, parang humihinto sandali ang mundo at napapalitan ng payapang ngiti ang lahat ng bigat.

Sa simpleng presensya mo, nagiging mas magaan and bawat sandali at mas maliwanag ang araw. Para kang ulap na dumarampi sa langit, tahimik ngunit punong-puno ng ganda at kapayapaan โ˜๏ธ๐Ÿฉต

๐——๐—ถ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ผ ๐—ป๐—ถ: Bhey Ashley Tayag | Pitikhenyo
๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ: Louisse Ann Baltar | Pitikhenyo

28/02/2026

โŒž โŒ ๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž | ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—•๐—ข

Sa pagitan ng mga pahina ng aklat
at mga gabing hindi dinadalaw ng antok.
naroon ang isang pusong kumakabog,
hindi lamang sa takot,
kundi sa pagnanais na maging higit pa.

Silakbo ng pangarap na gustong kumawala,
mula sa makipot na silid-aralan.
lumipad hindi lamang lampas sa marka,
hindi lamang lampas sa grado,
kundi sa lampas sa inaasahan ng iba.

๐—ž๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ถ: Johndale Rivera | Head Photographer

26/02/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—”๐—  ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ๐—ข | ๐—™๐—˜๐—•-๐—œ๐—•๐—œ๐—š ๐—˜๐—ก๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฆ : ๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—›๐—œ๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก

โ€˜Di ko na matandaan kung kailan nga ba unang nagtagpo ang ating mga mata, dahil noon, hindi naman kita kilalaโ€ฆ kahit pa naging madalas na ang ating pagkikita. โ€˜Kala mo ba hindi ko napapansin ang iyong mga lihim na pagsulyap sa โ€˜kin? Hindi naman ako ganon ka-manhid para hindi mapansin, pero mas pinili kong balewalain. Natatawa na lamang ako sa tuwing mahuhuli ko ang โ€˜yong mga nakaw-tingin, dahil bigla-bigla ka na lamang lilingon sa ibang direksyon, na para bang walang nangyari, ngunit halata na hindi ka mapakali.

Naaalala mo pa ba nung minsang tinabihan mo โ€˜ko? Hindi ko inaasahan na magagawa mo dahil inaasar ka lamang ng mga kaibigan mo. Pinilit ko maging seryoso habang nakaupo ka sa tabi ko, ngunit unti-unti kong namamalayan na kusa na palang kumukurba ang itinatagong ngiti sa labi ko. Gusto sana kitang kausapin, subalit hindi ko naman alam kung anong mga salita ang dapat kong bigkasin. Marahil natatakot ako na baka bigla ko na lamang masabi na tuluyan na rin akong nahulog saโ€™yoโ€”at gaya mo, nahihiya rin akong aminin ang nararamdaman ko.

25/02/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ฆ๐—ถ๐—ฟ ๐—˜๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‚

Dalangin namin ang inyong patuloy na kalakasan ng katawan at isipan, pati na rin ang higit pang tagumpay sa inyong landas, sa trabaho man o sa personal na buhay. Maraming salamat po sa pagiging inspirasyon at sa dedikasyong patuloy ninyong ipinapakita.

Nawaโ€™y mapuno pa ng saya, biyaya, at magagandang pagkakataon ang inyong mga darating na taon. Kayo po ay tunay naming hinahangaan at pinahahalagahan.

Muli, kami po ay taos-pusong bumabati ng isang masaya at makabuluhang kaarawan! โœจ

25/02/2026

๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—œ๐—ง๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—ž๐—ข๐—ง ๐—”๐—ง ๐—ง๐—”๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š: ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ

Sa paglipas ng panahon, may mga sandaling tila ipinanganak upang ipaalala sa atin na ang pagkaka-isa ng isang bansa ay hindi nasusukat sa dahas at paggamit ng mga armas, kundi sa sabay-sabay na pagkilos at pagbibigay-tinig ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng isang bayan. Ang EDSA ay hindi lamang naging isang kalsada at daananโ€”ito'y minsang naging entablado, kung saan nagtagpo ang bawat tapang, pag-asa, at paniniwala na kayang baguhin ng mga mamamayan ang kanilang kapalaran.

Sa gitna ng pagod at pangamba, natuklasan natin ang mga katotohanang matagal na itinago sa dilim. At sa pagmulat nating iyon, nabatid natin na ang kapangyarihan ay kailanmaโ€™y hindi tunay na galing at para lang sa iilanโ€”nasa kamay ito ng taong-bayan, sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa, malasakit, at tapang na harapin ang bukas na walang katiyakan.

At nang sabay-sabay na namulat ang mga mata ng sambayanan, naunawaan nating hindi sapat ang makita lamang ang liwanag. Kailangan natin itong ingatan, ipaglaban, at ipamana sa mga susunod na henerasyon. Sapagkat ang kalayaang muling ibinalik sa atin ay hindi na dapat maagaw kailanman; ang mga aral na minsang nag-alab sa ating puso ay hindi dapat hayaang mamatay sa lamig ng pagkalimot.

Ang EDSA ay isang paalala na ang ating bayan, kahit na ilang ulit mang subuking patahimikin, ay palaging magkakaroon ng tinig; malakas man o mahina, palaging mayroong pag-asa at buhay. At kapag ang mga tinig na iyon ay naging isa sa diwa ng pagkakaisa, tila nagiging isang apoy ito na walang sinumang makapapatay.

Sapagkat ang mga matang muling namulat ay hindi na muling pipikitโ€”hindi sa harap ng kasinungalingan, hindi sa harap ng pang-aabuso, at lalong hindi sa harap ng kasaysayang pilit binabaluktot. At sa bawat henerasyong susunod, tungkulin natin na panatilihing buhay ang diwa ng EDSAโ€”hindi bilang isang sigaw ng nakaraan, kundi bilang paalala ng mas matatag, mas mulat, at mas makatarungang bukas.

โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ-๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ.โ€

Dibuho ni Bhey Ashley Tayag
Isinaayos ni Jerehmia Santiago
Isinulat ni Mharverick Ingaran

24/02/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—”๐—  ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ๐—ข | ๐—™๐—˜๐—•-๐—œ๐—•๐—œ๐—š ๐—˜๐—ก๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฆ :
๐—ฃ๐—”๐—›๐—œ๐—ก๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ง

Giliw, kung pahihintulutan ng gabi, hihilingin ko sanang muli kang manatili sa aking tabiโ€”hindi upang angkinin ka, Kundi para marinig kong muli ang pagtibok ng puso mong untiโ€‘unti nang nawawala at lumalayo sa akin. Sa paglipas ng panahon, may mga pangakong tila humihinga lang kapag pareho tayong nakakaramdam ng pagka-ubos at pagod, tila may mga pumipintig sa pagitan ng pagkahapo at pagโ€‘asa. Ngunit bakit ganoonโ€”habang akoโ€™y lumalapit, mas lalo kang naglalaho? Pero, hindi ko na hinanap ang mga kasagutan, marahil hindi ko kayanin ang mga linyang isasagot mo. At baka sa sagot mong iyon, masisira ang tanging ilusyong pinagkakapitan ng pag-ibig at kaluluwa kong pagod.

Kung pahihintulutan mo sana ako, Giliw. Ipapakita ko sa โ€™yo ang mundong tila kay sikip at liit kapag ika'y wala, ang bawat ingay sa aking puso kapag ako'y nagsisinungaling sa tuwing tinatanong mo ako kung hindi ba kita hinahanap. Patawad, giliwโ€”hindi dahil sa akoโ€™y nagkulang, kundi dahil sa labis kong pag-apaw sa isang sisidlang matagal na palang may lamat. Ngayon ko lamang nauunawaan: ang iyong "pahintulot" na manatili ako ay hindi pagbibigay ng pagkakataon, kundi isang masakit na paraan ng pagpapaalam. Kung pahihintulutan mo, Ingatan mo sana ang puso mong hindi ko nagawang hawakan at ingatan nang matagal, At ibabalik ko rin ang sa akin nang durog, nang tahimik, nang wala nang hinihingi kahit kailan.

Photos from PitikHenyo's post 24/02/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜พ๐™–๐™ฅ๐™–๐™—๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐˜ฝ๐™ช๐™ž๐™ก๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™š๐™ข๐™–๐™ฃ๐™–๐™ง ๐™ค๐™ฃ ๐˜พ๐™ƒ๐™€๐˜ฟ'๐™Ž ๐˜ผ๐˜พ๐™ƒ๐™„๐™€๐™‘๐™€ ๐™๐™ง๐™–๐™ข๐™š๐™ฌ๐™ค๐™ง๐™ 

Sa pangunguna ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ay kasalukuyang ginaganap ang palihan na makatutulong sa mas maunlad na paglago ng kalidad ng pagtuturo, pagpapaunlad ng pamamahala sa institusyon, at pagsasaayos ng sistema ng edukasyon na makatutulong upang maging handa ang bawat paaralan sa mga hamon ng makabagong panahon.

Ang gawaing ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa samahan ng ALCU Region 3, mga pinuno ng bawat instituto at tanggapan ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag. Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok at pagbahagi ng mga kaalaman ay makasisigurado na patungo tayo sa isang inklusibo, makabago, at makabuluhang pag-usad para sa mapagpalayang edukasyon.

19/02/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—”๐—  ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ๐—ข | ๐—™๐—˜๐—•-๐—œ๐—•๐—œ๐—š ๐—˜๐—ก๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฆ : ๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Paano mo ba malalaman at mararamdaman ang pag-ibig ko saโ€™yo kung hindi ka naman tumitingin sa akin kagaya sa kung paano kita tingnan at pagmasdan? Sa bawat pagsulyap sa iyo, napapawi ang pagod at binunuo mo ang araw koโ€”kahit pa sa simpleng nakaw-tingin, kuhang-kuha mo ako. Kung makikita mo lamang ang iyong sarili sa aking mga mata, sobrang mamamangha at mabibighani ka. Iba kasi โ€˜yung dating mo, hindi ka lamang isang ekstra, kundi ang bida sa buong istoryaโ€ฆ bagay na bagay ka itampok sa bawat tula at kantaโ€”maging sa kwento na gawa ng malikot na imahinasyon na ikaw lamang ang tanging inspirasyon. Tingin mo, kailan ka kaya maniniwala at hindi tatawa sa tuwing may magsasabi sa iyo na gusto kita? Wala ba talagang kahulugan ang mga tingin ko na nakalaan lamang para saโ€™yo?

Pero teka, paano mo nga pala ako makikita? Kung ang tingin mo ay matagal nang nakatuon sa iba? Ang saya-saya ko pa noon dahil nang una kitang makita, akala ko ay ikaw na ang itinadhana na makaisaโ€”pero para ka pala sa iba. Ngunit ewan, sa iyo pa rin ako nakatingin kahit na madalas ay palihim, dahil baka may makakita sa akinโ€”pero wala, kasi nahahalata pa rin. Anoโ€™ng gagawin ko? Kung palaging ikaw ang nililingon ng aking mga mataโ€”ikaw ang paboritong imahe ng aking mga tingin, kaya nga marami na rin silang nakakapansin. Sus, ikaw nalang kasi itong nagkukunwaring manhid sa akin. Hanggang kailan kaya itong damdaminโ€ฆ ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ โ€˜๐™™๐™ž ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™จ๐™ž๐™ฃ?

18/02/2026

๐—ข๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐˜‚๐—ป๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ง๐—˜๐—–๐—› ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ โ€ผ๏ธ๐Ÿšจ

Ipinababatid po namin sa lahat na ang ๐๐“๐„๐‚๐‡ ๐‚๐จ๐ง๐œ๐ข๐ž๐ซ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, na orihinal na nakatakdang idaos sa ika-13 ng Pebrero, 2026, ay ๐ข๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐›๐š๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ง๐š ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐š ๐š๐›๐ข๐ฌ๐จ bunsod ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa anumang abalang maaaring maidulot nito. Lubos naming pinahahalagahan ang inyong pag-unawa at patuloy na suporta. Nais naming tiyakin sa lahat na ang desisyong ito ay isinagawa matapos ang masusing pag-aaral at maingat na pagsasaalang-alang, na may layuning mapanatili ang mataas na kalidad at tagumpay ng nasabing kaganapan.

Magpapatuloy ang pagbebenta ng mga tiket ayon sa itinakdang iskedyul, at ang lahat ng mga tiket ay mananatiling mahalaga para sa bagong petsa ng pagdaraos. ๐€๐ง๐  ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฉ๐ž๐ญ๐ฌ๐š ๐š๐ฒ ๐ข๐š๐š๐ง๐ฎ๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ž (๐๐“๐„๐‚๐‡ ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ). Hinihikayat namin ang lahat na manatiling nakaantabay para sa mga susunod na abiso.

Muli, kami po ay nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Inaasahan namin ang inyong pakikiisa sa isang mas pinaghusay, mas pinasaya at higit na makabuluhang pagdiriwang ng BTECH Concierto 2026.

17/02/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—›๐—”๐—  ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ๐—ข | ๐—™๐—˜๐—•-๐—œ๐—•๐—œ๐—š ๐—˜๐—ก๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ฆ : ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ

Ang pag-ibig ay tila isang ilog na walang tigil sa pag-agos, dumadaloy sa bawat sandali ng pangungulila at pananabik. Sa bawat oras ng paghihintay, may kasamang pangako na hindi magmamaliw, sapagkat ang puso ay nananatiling nakatali sa isang tao lamang. Ang tanong na โ€œ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ ๐™ค ๐™ข๐™–๐™œ-๐™–๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– โ€™๐™ฎ๐™คโ€ ay hindi simpleng pagdududa, kundi isang patunay ng tibay ng damdaminโ€”isang pagsuko sa panahon, ngunit hindi kailanman sa pagmamahal. Ang pananabik ay nagiging apoy na patuloy na nagbibigay-init sa kabila ng lamig ng kawalan, at sa bawat paghinga, naroon ang pag-asang muling makapiling ang minamahal. Ang paghihintay ay hindi pagkakait, kundi isang sakripisyong handang tanggapin, sapagkat ang tunay na pag-ibig ay marunong magtiis, marunong maghintay, at marunong magtiwala.

At sa sandaling magtagpo ang dalawang pusong matagal nang nangungulila, ang lahat ng pangungusap ay nagiging katahimikan, at ang lahat ng katahimikan ay nagiging musika ng pag-ibig. โ€œ๐™Ž๐™– โ€™๐™ฎ๐™ค ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™จ๐™ž๐™™, ๐™ฌ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ช๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™ž๐™—๐™ž๐™œ, โ€™๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ ๐™คโ€™๐™ฎ ๐™จ๐™– โ€™๐™ฎ๐™ค, ๐™ž๐™ ๐™–โ€™๐™ฎ ๐™จ๐™– โ€™๐™ ๐™ž๐™ฃ ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™กโ€โ€”ito ang sumpang hindi matitinag, isang pangakong walang wakas. Ang pagmamahalan ay nagiging tahanan, kung saan ang bawat sulyap ay kasiguruhan, at ang bawat yakap ay kaligtasan. Walang hanggan ang pag-ibig na ito, sapagkat hindi ito nakatali sa oras o distansya, kundi sa katapatan ng dalawang kaluluwa. Sa kanilang pagkakaugnay, natutunghayan ang isang kwento ng pag-ibig na hindi nauubos, hindi napapawi, at hindi nagwawakasโ€”isang pag-ibig na walang humpay, na sa kabila ng lahat ay nananatiling buo, matibay, at walang kapantay.

14/02/2026

๐™‹๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™– ๐™จ๐™– ๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ~

Kahit maubos ang mga salita at hindi na mabigkas ang bawat kataga, mababasa mo pa rin sa aking mga mata na higit ka sa lahat ng hangad. Hindi mo na mararanasan pa ang maging mag-isa, sapagkat araw-araw, pipiliin kitaโ€ฆ at walang sawang pipiliin pa. โ˜€๏ธ๐Ÿซ‚

Want your business to be the top-listed Media Company in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


BMG Building, Poblacion, Baliwag City
Bulacan