Conqueror Apparel

Conqueror Apparel

Share

31/12/2024

Yung Akala Mong Taong May Magandang Karera..

Sila lang naman ‘yung inuuna ang pangangailangan bago ang pansariling kagustuhan. Hindi dahil kuripot sila, kundi dahil alam nila kung gaano kahirap kitain ang Pera. Bawat pisong dumadaan sa kamay nila ay may kaakibat na pagod, puyat, at sakripisyo. Kaya bago bumili ng bagong damit o anuman, mas inuuna nila ang mga bagay na mas mahalaga—Panggatas, pang-aral ng kapatid, at malaking gastusin sa tahanan, o ipon para sa kinabukasan na minsa'y kanselado pa sapagkat nakakalimutan mag tabi para sa sarili.

Hindi ibig sabihin nito na wala silang pangarap para sa sarili. Ang totoo, sila ang may mas mataas na pangarap, ngunit patuloy na Umaasa na In Gods Perfect Time ito'y matutupad din. Minsan nga, kahit gusto nilang magluho, natututo silang magtiis dahil mas masarap sa pakiramdam na may ipon kaysa may luho.

Ang taong may trabaho at kayang kontrolin ang paggastos ay taong may matibay na disiplina at responsibilidad. Hindi man nakikita sa panlabas na anyo ang bunga ng kanilang pagsusumikap, pero sa mga bagay na mahalaga—tulad ng seguridad ng pamilya o sariling kalayaan sa utang—sila ang tunay na MAYAMAN.

Sa huli, hindi naman sukatan ang bagong damit o gamit para masabi kung gaano kaganda ang takbo ng buhay. Ang tunay na tagumpay ay nasa kakayahan mong pamahalaan ang iyong buhay, lalo na ang perang pinaghirapan mo. Kaya mga Mam/Sir sa mga tahimik lang na nagtatrabaho at nagtitipid, Big Salute po sa inyo. Kayo ang tunay na PAGPAPALA. Looking forward po for the best Blessings this 2025 for you 🙏🙌.

Especial shout out as well to ALL the Men In Uniform out there na Handang I Sakripisyo ang Oras at Pagmamahal, Para Makapag SERBISYO sa Sinumpaang Tungkulin kahit ang Kapalit ay ang Pagsantabi ng kani-kaniyang PAMILYA at MAHAL SA BUHAY. Kudos, Mabuhay, SALUDO! ❤‍🔥🙌💯.

17/11/2024

Are you winning the Battle Against Your Old Self? Against the World? Against Satan and His Demons? Ma'am / Sir's, please always make sure to KNOW YOUR PURPOSE IN LIFE, TO BECOME THE BEST VERSION OF YOUR SELF ACCORDING TO THE LORDS PLAN 💯🔥

Sa sobrang daming plano natin para sa sarili natin di na natin naitatanong sa Lord kung ano ba yung Nais nya para sa'tin. Kayat Habang di pa Huli Ang Lahat alamin na natin kung ano nga ba talaga ang PURPOSE natin sa Buhay. Hindi upang Maging Perpekto Kundi Ang Mahalin At Paglingkuran ang Diyos sa Kabila ng Mga Pagkukulang at Kahinaan natin. Ang tanggapin ang Panginoong Hesu Kristo bilang ating Diyos at Tagapagligtas. ☺☝

Missing You Bok Patrolman Lee 🙌 Snappy Salute (RIP)
Photo Was Taken During ISO Phase at Special Action Force Training Branch Annex Balayan Batangas 💪🇵🇭👮

Want your business to be the top-listed Shop in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Bulacan
1013