IRM Ministries Km 38
1 Corinthian 12:1-31
Shared by: Bro. Bernardo M. Camaya
Mga Kaloob ng Espiritu Santo
Iba't iba ang mga espirituwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkaloob ng mga ito. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran.
May napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. May pinagkalooban ng kaalaman. Subalit iisang Espiritu ang nagkaloob nito. Ang Espiritu ring iyon ang nagkaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, sa iba naman ay kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at sa iba ay kakayahang kumilala kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa Iba't ibang wika, at sa iba ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon. (verses 4-11)
Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng Iba't ibang bahagi. Ito ay nanatiling iisang katawan. Inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. (v12 and 18)
Insight
Mga kapatid Iba't iba ang mga espirituwal na kaloob sa atin. Bawat mananampalataya ay may kanya kanyang kaloob. Napakahalaga na ito ay idulog natin sa Panginoon at gamitin natin sa ikakaluwalhati ng Kanyang Banal na Pangalan. Mga kapatid tayo po ay kabilang din sa iisang katawan, na ang bawat isa po sa atin ay napakahalaga, bahagi po tayo sa katawan na ito na ang ating pinaglilingkuran ay ang ating Panginoong Hesus! Bawat isa po sa atin ay kailangan, dahil inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa Kanyang Kalooban.
Panalangin
Diyos Ama, Diyos Anak na si Jesus Diyos Espiritu Santo, ang kaluwalhatian, kapurihan at pag papasalamat ang aming ipinaaabot sa Inyong Banal na Pangalan. Napakabuti po Ninyo Panginoon, marami pong salamat sa mga biyaya, gabay at pag papagaling sa bawat pamilya namin. Patawarin Ninyo po kami sa aming mga pagkukulang. Dalangin ko rin po na ang Banal na Espiritu ang manatili sa amin upang maging gabay sa anumang aming gagawin.
Kalakip din po ng aming panalangin, na nawa po ay matuklasan ng aking mga kapatiran ang kaloob na binigay po Ninyo sa kanila at magamit po ito sa ikakaluwalhati po Ninyo Panginoong Hesus. In Jesus Mighty Name Amen!! Halleluya Halleluya!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Km. 38 Pulong Buhangin, Santa Maria
Bulacan
3022