Sfgc Backyard Farm
18/08/2023
Pakner, pano mo ginagawa ang pagwawalay ng mga biik?
Alam mo ba na ang pagwalay o weaning ay napaka-stressful para sa mga biik?
Sa takdang araw ng pagwalay, mula sa farrowing pen o kulungan ng inahin at biik, ang sow o inahin ang unang tatanggalin imbis na ang mga biik ang ilipat at dalhin papunta sa panibagong kulungan.
Ito ay dahil sa doble ang stress na idudulot sa mga biik ng pagwawalay kung sila ang aalisin mula sa kulungan. Una ay ang stress ng pagwalay sa inahin at gatas at pangalawa ay ang stress dala ng paninibago sa tirahan na kanilang lilipatan.
Pagkatapos ng tatlong araw, maaari nang ilipat ang mga naiwang biik sa nursery pen o sa kanilang pirmihan na tirahan hanggang araw ng harvest.
Ito ang TumPak Tips ngayong araw mula sa UltraPak. Mag-message ka lang Pakner para sa iyong karagdagang tanong.
Ctto
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Bulacan