Akire
Nakakalungkot na mas kabisado mo pa ang updates ng mga taong hindi mo kilala kaysa sa nararamdaman ng asawa mong katabi mo araw-araw.
Mabilis kang mag-reply sa chat, pero hirap kang kausapin ang babaeng kasama mong bumuo ng pamilya.
Kaya mong maglaan ng ilang oras sa pag-scroll, pero ilang minuto lang para yakapin, kumustahin, o pakinggan ang asawa mo.
Tandaan mo, hindi nasisira ang relasyon sa isang malaking pagkakamali lang. Unti-unti itong namamatay sa paulit-ulit na pagpapabaya, kawalan ng oras, at kakulangan ng atensyon.
Bago mo hanapin ang pagmamahal sa ibang lugar, siguraduhin mong naibigay mo muna ito sa babaeng nangakong sasamahan ka habang buhay.
Hindi ang cellphone ang dapat laging hawak mo kundi ang kamay ng asawa mong araw-araw na pinipiling manatili sa tabi mo.
Kapag mabuti ang trato mo sa misis mo, hindi ka mababawasan bilang lalaki. Mas lalo ka lang nirerespeto. Hindi kailangan ng mamahaling regalo araw-araw—minsan sapat na ang oras, pag-intindi, respeto, at pagiging tapat. Tandaan mo, ang babaeng laging umiintindi sa’yo ay napapagod din. Kung gusto mong manatiling masaya ang pamilya mo, simulan mo sa tamang pagtrato sa asawa mo.
27/06/2026
Nilosyang mo kasi… habang ikaw ang inuuna niya, sarili naman niya ang huling naaasikaso. Sa pag-aalaga ng bahay, mga anak, at sa’yo, unti-unti niyang nakakalimutang alagaan ang sarili. Kaya sa halip na punahin ang pagbabago niya, mas piliin mong mahalin, pahalagahan, at iparamdam na maganda pa rin siya sa paningin mo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Bulacan
3012