Alpha Phi Omega- Beta Iota Chapter

Alpha Phi Omega- Beta Iota Chapter

Share

Photos from Alpha Phi Omega- Beta Iota Chapter's post 08/05/2026

In grateful recognition of your invaluable support and significant contributions to the success of the 2nd FREEDOM RUN with the theme: “Hubad na Katotohanan, Sigaw ng Mamamayan sa Gitna ng Krisis sa Langis.”

Your presence, enthusiasm, and support contributed to the success of this event reflected your commitment to community awareness, unity, and active involvement in meaningful causes.

Given this 28th day of April 2026 at Bulacan State Agricultural University.

30/04/2026

Alpha Phi Omega | University Week 2026 – Day 2

BSAU University Student Council

Photos from Alpha Phi Omega- Beta Iota Chapter's post 29/04/2026

Lubos rin ang aming taos–pusong pasasalamat sa ating mga kAPOtid na bumaba upang magbigay ng suporta sa aming chapter:

•APO – Eta Chapter
•APO – Phi Chapter
•APO – Xi Chapter
•APO – Epsilon Kappa Chapter
•APO – Epsilon Omicron Chapter
•APO – Epsilon Tau Chapter
•APO – Theta Omega Chapter
•APO – Zeta Nu Chapter

May We Always Be!
Strong the Circle We!

Photos from Alpha Phi Omega- Beta Iota Chapter's post 29/04/2026

Mas lalong nagningning ang tanglaw ng paglilingkod sa matagumpay na pagsasakatuparan ng The Second Freedom Run: Run of the Brave bilang bahagi ng ikalawang araw ng University Week Celebration. Sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, muling ipinamalas ng Alpha Phi Omega – Beta Iota Chapter ang matatag na paninindigan sa pagsusulong ng kamalayan, pagkakaisa, at makabuluhang paglilingkod sa sambayanan.

Sa harap ng malawak na suporta at panonood ng student body, faculty, at staff, naging higit pa sa isang pagtatanghal ang Freedom Run, ito ay naging buhay na pagsasabuhay ng diwa ng Leadership, Friendship, and Service, kung saan ang bawat hakbang ay sumasalamin sa tapang, bawat galaw ay sumisigaw ng katotohanan, at bawat kalahok ay nagiging instrumento ng adhikain.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos at pakikiisa ng buong komunidad. Taos-pusong ipinapaabot ng Alpha Phi Omega – Beta Iota Chapter ang lubos na pasasalamat sa ating College President at sa University Student Council sa kanilang mahalagang suporta, tiwala, at pakikiisa na naging malaking bahagi sa tagumpay ng gawaing ito.

Higit sa lahat, ang Freedom Run ay nagsilbing paalala na ang kapatiran ay hindi lamang umiiral sa pangalan at panata, kundi sa konkretong pagkilos para sa bayan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na magliyab ang apoy ng paglilingkod at paninindigan.

In Leadership, Friendship, and Service, we run not only for freedom. We run for truth, for people, and for nation.

(Credits to the rightful owner of the photos)

27/04/2026

Takits tayo mamaya! ⚜️⚜️⚜️

Sa ikalawang araw ng pagdiriwang ng Charter Week ng ating mahal na kolehiyo, sama-sama nating ipapahayag ang katotohanan at paninindigan ng mamamayan.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at epekto nito sa bawat Pilipino, muling bubuhayin ang diwa ng tapang, pagkakaisa, at malasakit sa pamamagitan ng "The Second Freedom Run: Run of the Brave."

Hindi lamang ito isang tradisyon, ito ay isang sigaw.

Sigaw para sa katotohanan.
Sigaw laban sa katiwalian at kapabayaan.
Sigaw ng bawat mamamayang naghahangad ng pagbabago.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga estudyante, g**o, at kawani ng ating pamantasan na makiisa at maging saksi sa makabuluhang pagkilos na ito. Halina’t tunghayan ang bawat hakbang na may dalang mensahe, isang paalala na ang bawat isa sa atin ay may boses at may papel sa lipunan.

Sama-sama nating ipakita na ang komunidad ng ating kolehiyo ay mulat, may pakialam, at handang manindigan.

📍 Bulacan State Agricultural University
📅 Abril 28, 2026 | 🕚 11:00 AM

Hubad na Katotohanan. Matapang na Paninindigan. Nagkakaisang Mamamayan.

Photos from Alpha Phi Omega- Beta Iota Chapter's post 24/04/2026

🔥 Are you ready to witness courage in motion?
⚠️ Something powerful is about to shake the grounds of BSAU.

Alpha Phi Omega – Beta Iota Chapter proudly presents “THE 2ND FREEDOM RUN: RUN OF THE BRAVE”

📍 Bulacan State Agricultural University
📅 April 28, 2026
⏰ 11:00 AM

In the face of the oil crisis, the brave do not stay silent. They run, they rise, they resist.

Takbo para sa katotohanan.
Sigaw para sa mamamayan.

See you there!

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Bulacan
3010