SAKTO
30/05/2026
SAKTO BALITA "DIGITAL EDITION" | May 31, 2026 | Sunday Issue | Advance Copy | Clickable Pages
JINGGOY, BONOAN NAGPIYANSA
Nakapagpiyansa si Senador Jinggoy Estrada ng halagang Ninety Thousand pesos sa Sandiganbayan nitong Biyernes, Mayo Beinte Nuwebe, kaugnay ng mga kasong graft na inihain laban sa kanya kaugnay ng multibillion peso flood control scandal.
Bagama’t pansamantalang nakalabas dahil bailable ang kasong graft, nananatiling mabigat ang kinakaharap ni Estrada dahil sa hiwalay na plunder case na umabot sa Five Hundred Seventy Three million pesos na umano’y kickbacks mula sa mga proyekto ng DPWH.
Ang kasong plunder ay hindi bailable, maliban na lamang kung makikitang mahina ang ebidensya.
Ayon sa Ombudsman, nakatakdang humiling ng arrest warrant at hold departure order laban kay Estrada at sa mga kasamang opisyal ng DPWH upang matiyak na haharap sila sa paglilitis.
Ito na ang ikatlong plunder case ni Estrada—matapos ang jueteng scandal noong Year Two Thousand and One 2001 at ang PDAF scam noong Year Two Thousand Fourteen.
Sa PDAF plunder case, siya ay naabsuwelto noong Twenty Twenty Four ngunit napatunayang guilty sa graft.
Narito ang pahayag ni Estrada na nai-post sa social media:
“I am personally posting bail before the Sandiganbayan in relation to the arrest warrant issued by its Second Division. Posting bail is a legal remedy available to me under our justice system, and I intend to avail myself of every lawful means to defend myself and clear my name. Mariin kong itinatanggi ang mga paratang laban sa akin. Ang mga ito ay walang batayan at walang bahid ng katotohanan. I respect the rule of law and our judicial institutions, and this is precisely why I am posting bail and personally submitting myself to the jurisdiction of the Sandiganbayan.
Umaasa ako sa patas na pagtrato, due process, at pagiging walang kinikilingan sa pagdinig ng kasong ito. Nagtitiwala ako na sa huli, mananaig ang hustisya at ang katotohanan”.
Samantala, nakapagpiyansa rin dating DPWH secretary Manuel Bonoan kaugnay rin sa naturang kaso sa 2nd Division ng Sandiganbayan.
27/05/2026
SAKTO BALITA "DIGITAL EDITION" | May 28, 2026 | Thursday Issue | Clickable Pages
SAKTO BALITA "ON-REELS" | May 27, 2026 | Wednesday Issue | Advance Copy
SAKTO BALITA "ON-REELS" | May 26, 2026 | Tuesday Issue | Digital Edition
SAKTO BALITA "On-Reels" | May 25, 2026 | Monday Issue | Advance Copy | Digital Edition
24/05/2026
SAKTO BALITA "DIGITAL EDITION" | May 25, 2026 | Monday Issue | Advance Copy | Clickable Pages
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
McArthur Hi-way, Lolomboy
Bocaue