Ang Batang Simbahan

Ang Batang Simbahan

Share

05/01/2026

ENERO 12, 2026 - LUNES

Lunes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Samuel 1, 1-8
Salmo 115, 12-13. 14-17. 18-19

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Marcos 1, 14-20



Monday of the First Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 1, 1-8

Ang simula ng unang aklat ni Samuel

Sa Ramataim-zofim, isang maburol na lugar sa Efraim ay may nakatirang lalaki na Elcana ang pangalan. Siya’y anak ni Jeroham at apo ni Eliu na anak ni Tohu at apo Zuf na Efrateo. Dalawa ang asawa ni Elcana, sina Ana at Penina. May mga anak si Penina ngunit si Ana ay wala. Taun-taon, pumupunta si Elcana sa Silo upang sumamba sa Panginoon, sa lugar na pinaglilingkuran ng mga anak ni Eli na sina Ofni at Finees bilang mga saserdote. Tuwing maghahandog si Elcana, binibigyan niya ng tig-iisang bahagi si Penina at ang mga anak nito. Ngunit kay Ana, bagamat mahal niya, ay isang bahagi lamang ng handog ang ibinibigay niya sapagkat wala itong anak. Dahil dito, lagi siyang tinutuya ng karibal niyang si Penina. Ito’y ginagawa ni Penina taun-taon, tuwing pupunta sila sa bahay ng Panginoon. Labis naman itong dinaramdam ni Ana anupat naiiyak siya at hindi makakain. Kaya’t nilalapitan siya ni Elcana at tinatanong, “Ana, bakit umiiyak ka na naman? Ayaw mong kumain? Bakit ka ba ganyan? Mahalaga pa ba sa iyo ang sampung anak kaysa akin?”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 14-17. 18-19

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

o kaya: Aleluya.

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog
sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang,
ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.
Masakit sa kalooban ng P**n kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang,
sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

ALELUYA
Marcos 1, 15

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos ay maghahari na,
talikdan ang tanang sala,
manalig sa balita n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 14-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Pagkatapos dakpin si Juan, si Hesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos: “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito.”

Samantalang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na Simon at Andres na naghahagis ng lambat, Sila’y mangingisda. Sinabi ni Hesus, “Sumama kayo sa akin at kayo’y gagawin kong mamamalakaya ng tao.” Pagdaka’y iniwan nila ang kanilang lambat, at sumunod sa kanya.

Nagpatuloy siya ng paglakad, at sa di kalayuan ay nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa kanilang bangka at naghahayuma ng mga lambat. Tinawag din sila ni Hesus at sumunod naman sa kanya. Iniwan nila sa bangka ang kanilang ama, kasama ng mga taong upahan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Bilang bayan na hinirang ng Diyos, iluhog natin sa ating Ama ang pangangailangan ng lahat ng tao:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang humirang sa amin, pagpalain Mo ang aming buhay.

Ang mga pastol ng Simbahan na tinawag ng Diyos upang mamalakaya ng mga tao nawa’y makaharap sa mga hamon ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maging mga mabisang tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hinirang ng Panginoon sa paglilingkod sa kanya nawa’y bukas-loob na makatugon sa kanyang tawag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga nababagabag, at yaong mga naghihirap sa isip at kalooban nawa’y hipuin at pagalingin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mabuhay sa kapayapaan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, gawin mo kaming karapat-dapat na isakatuparan ang alinmang gawaing nais mong gawin namin sa pamamagitan ng lakas ng aming Panginoong Jesu-Kristo. Amen.

05/01/2026

ENERO 9, 2026 – BIYERNES

Feast of Our Lord Jesus Christ, Señor Jesus Nazareno

(Red)





UNANG PAGBASA

Mga Bilang 21, 4b-9





Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang

Noong mga araw na iyon, nainip ang mga tao sa pasikut-sikot na paglalakbay. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Wala kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kuwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ng Panginoon ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay namamatay. Kaya lumapit sila kay Moises. Sinabi nila “Nagkasala kami sa Panginoon at sa iyo. Idalangin mo sa kanyang paalisin ang mga ahas na ito.” Dumalangin nga si Moises at ganito ang sagot sa kanya ng Panginoon, “Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay mo iyon sa dulo ng isang tikin at sinumang natuklaw ng ahas na tumingin doon ay hindi mamamatay.” Gayun nga ang ginawa ni Moises. Mula noon, lahat ng matuklaw ng ahas ngunit tumingin sa ahas na tanso ay hindi namamatay.

Ang Salita ng Diyos.





SALMONG TUGUNAN

Salmo 77, 1-2. 34-35. 36-37. 38



Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos.



Kaya ngayon ay aking sa turo ko, mga anak,

iyong dinggi’t ulinigin, salita kong binibigkas;

itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga,

nangyari pa noong una, kaya ito’y mahiwaga.

Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos.



Datapwat noong sila’y lilipulin na ng Diyos,

nagsisi ang karamiha’t sa kanya’y nagbalik-loob.

Noon nila nagunitang ang sanggalang nila’y ang Diyos.

Ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.

Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos.



Kaya’t siya ay pinuri, ng apering hindi tapat,

pagkat yao’y pakunwari’t balat-kayong matatawag.

Sa kanilang mga puso, naghahari’y kataksilan,

hindi sila nagtatapat sa ginawa niyang tipan.

Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos.



Gayun pa man, palibhasa’y Diyos siyang mahabagin

ang masamang gawa nila’y pinatawad niyang tambing;

dahilan sa pag-ibig n’ya’y hindi sila wawasakin,

kung siya ma’y nagagalit, ito’y kanyang pinipigil.

Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D’yos.





IKALAWANG PAGBASA

Filipos 2, 6-11



Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Si Kristo Hesus, bagamat siya’y Diyos ay hindi nagpilit na mantiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.

Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan. Oo, hanggang kamatayan sa krus. Kaya naman, siya’y itinampok ng diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya. At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoong, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang Salita ng Diyos.





ALELUYA

Aleluya! Aleluya!

Kami’y sumasamba sa’yo

at gumagalang sa krus mo

na kaligtasan ng mundo.

Aleluya! Aleluya!





MABUTING BALITA

Juan 3, 13-17



Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo, “Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit — ang Anak ng Tao.”

At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggang. Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.





PANALANGIN NG BAYAN
Ang Pagtatampok sa Krus na Banal



Manalangin tayo sa Diyos Ama na nagmahal nang labis sa mundo kaya’t ibinigay ang kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa krus para sa atin.



Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng krus,
dinggin Mo kami, O Panginoon.



Ang Simbahan sa lupa nawa’y magpatuloy sa paglaban patungo sa tagumpay sa ilalim ng bandila ng krus, manalangin tayo sa Panginoon.



Ang mga mamamayan ng ibang bansa at kultura nawa’y makatagpo ng kalayaan at kapayapaan sa pamamagitan ni Jesukristong itinaas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.



Ang mga nangangailangan ng habag at pagpapatawad ng Diyos nawa’y makatagpo ng pag-asa sa krus ni Kristo bilang daan sa kapayapaan at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.



Ang mga maysakit nawa’y makita sa krus ni Kristo ang pag-asa sa lubos na paggaling at panunumbalik ng kalusugan, manalangin tayo sa Panginoon.



Ang mga nahihimlay kay Kristo nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng sakripisyo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.



Ama naming mapagmahal, nasa krus ang aming pag-asa sa buhay na ito at sa kabila. Ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan habang nagpupuri kami sa iyo dahil sa iyong mga awa sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

05/01/2026

Daily Mass Readings
January 5, 2026

Memorial of St. John Neumann, Bishop
Lectionary: 212

Reading 1 ✝️✝️✝️
1 John 3:22–4:6

Beloved:
We receive from him whatever we ask,
because we keep his commandments and do what pleases him.
And his commandment is this:
we should believe in the name of his Son, Jesus Christ,
and love one another just as he commanded us.
Those who keep his commandments remain in him, and he in them,
and the way we know that he remains in us
is from the Spirit whom he gave us.

Beloved, do not trust every spirit
but test the spirits to see whether they belong to God,
because many false prophets have gone out into the world.
This is how you can know the Spirit of God:
every spirit that acknowledges Jesus Christ come in the flesh
belongs to God,
and every spirit that does not acknowledge Jesus
does not belong to God.
This is the spirit of the antichrist
who, as you heard, is to come,
but in fact is already in the world.
You belong to God, children, and you have conquered them,
for the one who is in you
is greater than the one who is in the world.
They belong to the world;
accordingly, their teaching belongs to the world,
and the world listens to them.
We belong to God, and anyone who knows God listens to us,
while anyone who does not belong to God refuses to hear us.
This is how we know the spirit of truth and the spirit of deceit.


Responsorial Psalm ✝️✝️✝️
Psalm 2:7bc-8, 10-12a

R. (8ab) I will give you all the nations for an inheritance.

The LORD said to me, “you are my Son;
this day I have begotten you.
Ask of me and I will give you
the nations for an inheritance
and the ends of the earth for your possession.”

R. I will give you all the nations for an inheritance.

And now, O kings, give heed;
take warning, you rulers of the earth.
Serve the LORD with fear, and rejoice before him;
with trembling rejoice.

R. I will give you all the nations for an inheritance.


Alleluia ✝️✝️✝️
See Matthew 4:23

R. Alleluia, alleluia.

Jesus proclaimed the Gospel of the Kingdom
and cured every disease among the people.

R. Alleluia, alleluia.


Gospel ✝️✝️✝️
Matthew 4:12-17, 23-25

When Jesus heard that John had been arrested,
he withdrew to Galilee.
He left Nazareth and went to live in Capernaum by the sea,
in the region of Zebulun and Naphtali,
that what had been said through Isaiah the prophet
might be fulfilled:

Land of Zebulun and land of Naphtali,
the way to the sea, beyond the Jordan,
Galilee of the Gentiles,
the people who sit in darkness
have seen a great light,
on those dwelling in a land overshadowed by death
light has arisen.

From that time on, Jesus began to preach and say,
“Repent, for the Kingdom of heaven is at hand.”

He went around all of Galilee,
teaching in their synagogues, proclaiming the Gospel of the Kingdom,
and curing every disease and illness among the people.
His fame spread to all of Syria,
and they brought to him all who were sick with various diseases
and racked with pain,
those who were possessed, lunatics, and paralytics,
and he cured them.
And great crowds from Galilee, the Decapolis, Jerusalem, and Judea,
and from beyond the Jordan followed him.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Boac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Boac
4900