MSWDO BOAC

MSWDO BOAC

Share

22/04/2026

Ang ๐—Ÿ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ผ๐—ฎ๐—ฐ, ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ช๐—ฒ๐—น๐—ณ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ช๐—ถ๐˜๐—ต ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† ๐—”๐—ณ๐—ณ๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ๐Ÿญ๐Ÿต๐˜๐—ต ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—”๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† โ€œ๐—”๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† โ€“ ๐—˜๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐—ณ๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฒ.โ€

Ang ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—น๐—ฑ ๐—”๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜€๐—บ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜† ay ipinagdiriwang tuwing ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ-๐Ÿฎ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฏ๐—ฟ๐—ถ๐—น. Layunin nitong palaganapin ang kamalayan, pagtanggap, suporta, at inklusyon para sa mga taong may autism.

๐ˆ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ-๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐ข๐ง๐ค๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ.

Photos from MSWDO BOAC's post 31/03/2026

March 24, 2026
JOINT RECOGNITION DAY โ€“ RIVERSIDE CLUSTER
Tema: โ€œMunting Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasanโ€
Ang Joint Recognition Day ng Riverside Cluster ay isang makabuluhang pagdiriwang bilang pagpupugay sa 168 batang kinilala, na binubuo ng 88 batang lalaki at 80 batang babae mula sa ibaโ€™t ibang Child Development Centersโ€” Maligaya, Tabi, Poras, Lupac, Tabigue, Pili, Balogo, Buliasnin, Tanza at Bantad CDCโ€”sa nasabing cluster.
Layunin ng gawaing ito na kilalanin ang pagsisikap at tagumpay ng mga bata sa kanilang maagang yugto ng edukasyon bilang pundasyon ng kanilang patuloy na pagkatuto at pag-unlad.
Lubos ding ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat sa mga Sangguniang Barangay at mga Opisyal ng Bayan ng Boac, sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Kgg. Armi DC Carrion; Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Mark Anthony E. Seรฑo; at sa Ika-12 Sangguniang Bayan, sa kanilang walang sawang suporta sa programa ng Day Care Service.
Gayundin, kinikilala ang mahalagang papel ng mga magulang at Child Development Workers sa kanilang dedikasyon at walang humpay na paggabay, pagtuturo, at paghubog sa kabataan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng bawat isa, ang munting hakbang ng mga batang ito ay nagiging daan tungo sa isang maunlad at maliwanag na kinabukasan.

Photos from VICEfriend KUYA MARK SEร‘O's post 22/10/2025

โ€œUniting Nations: Towards a Sustainable Future.โ€

Pagdiriwang ng United Nations Day

Oktubre 22, 2025, nakiisa ang iba't ibang Child Development Centers (CDC) sa bayan ng Boac, Marinduque sa pagdiriwang ng United Nations Day โ€” isang okasyon na kumikilala sa pagkakatatag ng United Nations at sa layunin nitong magtaguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagkakaunawaan sa buong mundo.
Isa sa mga tampok ng selebrasyon ay ang makulay na parada, kung saan nagsuot ang mga bata ng iba't ibang national costumes mula sa iba't ibang bansa. Ito ay sumisimbolo sa pagkakaiba-iba ng kultura ngunit may iisang layunin tungo sa kapayapaan. Masiglang nagmartsa ang mga bata kasama ang kanilang mga CDWs at magulang sa mga pangunahing lansangan ng bayan, dala ang watawat ng iba't ibang bansa.
Sinundan ito ng isang field demonstration na ginanap sa Boac Moriones Arena. Dito ay ipinamalas ng mga bata ang kanilang talento sa pamamagitan ng mga sayaw mula sa iba't ibang bansa. Ang mga pagtatanghal ay nagpapakita ng kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura ng ibang lahi, sa murang edad pa lamang.
Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang naging masaya at makabuluhan, kundi nagsilbing mabisang paraan upang maturuan ang mga bata tungkol sa kahalagahan ng pagkakaibigan at respeto sa ibang tao, anuman ang kanilang lahi o pinagmulan.

Photos from MSWDO BOAC's post 14/08/2025

Happy Birthday, Maam Hazel ! ๐ŸŽ‰

Wishing you a day filled with joy, success, and well-deserved celebration.
Your leadership, vision, and support continue to inspire us every day.
May this new year of your life bring you even more achievements, good health, and happiness.

Thank you for being such an incredible leader and mentor.

Have a fantastic birthday!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Boac?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Boac
4900