Tinetine0shoppee

Tinetine0shoppee

Share

14/04/2026

Oo nga naman

13/04/2026

"Maaaring ikaw ang may kapangyarihan ngayon, ngunit huwag mong kalilimutan—ang panahon ay mas makapangyarihan sa kaninoman."

Ang buhay ay parang gulong — hindi palaging ikaw ang nasa ibabaw.
Kaya huwag mong abusuhin ang sandaling ikaw ang malakas, tinitingala, at may boses.
Dahil darating ang araw na ikaw naman ang tatahimik, at ang mundo ang babalik ng aral.

Ang tunay na marangal ay hindi kailanman nagyayabang,
sapagkat nauunawaan niya na ang kapangyarihan ay hindi panghabambuhay.
Ang tunay na marangal ay nananatiling mapagpakumbaba,
dahil alam niyang ang oras ay bilog — at ang lahat ay may kahapon at kinabukasan.

Igalang mo ang lahat habang ikaw ay nasa taas,
dahil sila rin ang titingin sa’yo sa oras na ikaw naman ang bumaba.

13/04/2026

Piece of advice.

Pag madali kang nakahiram sa tao, wag mong pahirapang maningil. Di mo alam pinagdadaanan o mga isinantabi nyan para lang mapunan yung sayo. Wag mong gawing collateral yung pinagsamahan nyo. Kesho kaibigan, kababata, k**ag anak, kapatid o kahit karelasyon. No reasons. Always settle your obligations on time. Wag matigas ang muka. Bukod sa pinaghirapan yan ng tao eh makikita din jan kung paano ka maging responsable at trustworthy sa mga pangako mo.

Wag mong isa alang alang yung tiwala ng tao sayo para lang mapunan yang problema mo. Im telling you! Higit pa sa pera ang mawawala sayo. Wag ng paabutin kung saan saan. Wag tayong kup*l.

16/02/2026

Habang pinapanood ko tong interview ng asawa ni Izzy, may narealize lang ako.

Sobrang saya ko na may supportive na asawa ako.

Yung hindi ako pinipigilan mag-grow sa mga bagay na alam niyang magpapasaya talaga sakin.

Isang asawa na HINDI TAKOT MALAMANGAN, HINDI NA IINSECURE sa mga maaabot ko sa buhay, professional man o personal.

Isang asawa na hindi ako ipapahiya sa harap ng ibang tao,at lalong hindi ako babastusin at pag bubuhatan ng k**ay sa loob ng bahay.

Hindi yung tipong kaya kang bigyan ng lahat ng materyal na bagay, pero pag-uwi mo, puro masasakit na salita naman ang isusukli.

Mas mahalaga pa rin ang kapayapaan, respeto, at emotional safety kesa sa kahit anong luho.

Piliin mo yung taong hindi lang nagbibigay ng pera
kundi nagbibigay ng KATAHIMIKAN.

Want your business to be the top-listed Media Company in Binalonan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Zone 2
Binalonan
2436