B-Creative Multimedia Production

B-Creative Multimedia Production

Share

Photos from Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office's post 02/05/2026
06/04/2026

YPC Stage proudly presents its maiden production

𝑴𝑨𝑷𝑨𝑵𝑨𝑲𝑰𝑻
Three "bittersweet" one-act plays penned by Palanca-winning playwright Eljay Castro Deldoc
Directed by BJ Borja

A bold and compelling production about exploration of pain, truth, and the conditions of the human heart - a powerful collaboration between a new generation of performers and some of the most respected names in Philippine theater.

Save the date! ❤️
This July–August at IBG-KAL Theater, UP Diliman, Quezon City

In the coming days, we will be revealing our cast and sharing details on how you can secure your tickets.

For interested showbuyers and sponsors, you may contact 0917-8700496.

Stay tuned. The stage is set. 🎭

14/02/2026

heARTS: Celebrating the Arts and Our Hearts ❤️

Ngayong ika-20 ng Pebrero 2026, tampok ang Lungsod ng Biñan sa ikatlong yugto ng Art Fridates, ang pangunahing programa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pagdiriwang ng National Arts Month.

Gaganapin ito sa Likhang Filipino Exhibition Hall ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) sa Pasay City, kung saan itatanghal ng Biñan City Centre for Performing Arts ang mayamang sining at talento ng ating lungsod.

Sa pamamagitan ng musika at teatro na nakaugat sa identidad ng Biñan, ating ipamamalas ang sigla, galing at pusong Biñanense.

Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng NCCA na itaguyod ang sining at kultura sa iba’t ibang panig ng bansa, ang Art Fridates ay nagsisilbing pambansang entablado para sa mga lokal na pamahalaan upang maipagmalaki ang kanilang pamana. At sa darating na Biyernes, ang Biñan ang magdadala ng legasiya ng Lalawigan ng Laguna - sa himig at puso.

Makisaya at makiisa sa pagdiriwang ng sining at ng pusong nagbibigay-buhay dito.

01/09/2025

Ngayong Setyembre, nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Biñan sa pamamagitan ng BCHATO sa pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month, isang pambansang selebrasyon na kumikilala sa husay, talento, at ambag ng mga malikhaing Pilipino sa pagpapaunlad ng ating lipunan.

Ang pagdiriwang na ito ay nakaugat sa mga prinsipyo ng pagiging malikhain, inklusibo, makabago, at makabayan. Ito ay nagsusulong ng:
⭐️Pagkilala at pagtangkilik sa ating mga artista, manggagawang pangkultura, at malikhaing propesyonal.
⭐️Pagtutulak sa creative economy bilang mahalagang bahagi ng pambansang kaunlaran.
⭐️Pagprotekta at pagbibigay-suporta sa karapatan at kapakanan ng mga nasa sektor ng sining at kultura.
⭐️Pagpapalalim ng ating pagpapahalaga sa sining at kultura bilang salamin ng ating pagkakakilanlan.

Para sa Lungsod ng Biñan, mahalaga ang pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang sama-samang palakasin ang boses ng mga alagad ng sining at kultura, at tiyakin na ang kanilang ambag ay naitatala, napapahalagahan, at naipagmamalaki, hindi lamang sa Biñan, kundi sa buong Pilipinas.

Want your business to be the top-listed Event Planning Service in Binãn?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Binãn
4024