Squirettes Of Mary Immaculate - SAPC

Squirettes Of Mary Immaculate  - SAPC

Share

05/04/2026

ππ€π†ππ€π“πˆ 𝐒𝐀 πŒπ”π‹πˆππ† ππ€π†ππ€ππ€ππˆππ€π†πŽ 𝐍𝐆 πˆππ˜πŽππ† ππ€ππ†π€πŠπŽ ππˆπ‹π€ππ† ππ€π‘πˆ

Muling pinagtibay nina Reb. Msgr. Licerio S. Taguilaso, PC, Kura Paroko at Reb. Pd. Park Ebones, Katuwang na Pari ang kanilang pangako sa paglilingkod sa Diyos at sa sambayanan bilang mga pari, kasabay ang Misa ng Krisma, ganap na ika-9 ng umaga sa Katedral ng San Pablo.

Nawa’y ang inyong matatag na paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan ay patuloy na maging ilaw at inspirasyon sa lahat ng inyong nakakasalamuha. Sa pamamagitan ng inyong tapat na pagsaksi at walang pag-iimbot na paglilingkod, nawa’y mahikayat ninyo ang iba na higit pang lumalim sa pananampalataya at pag-ibig.

Sa inyong patuloy na paglalakbay sa bokasyon, nawa’y pagpalain kayo ng saganang biyaya, punuin ng kapayapaan, at gabayan ng karunungan sa bawat hakbang. Nawa’y umapaw ang pagpapala sa inyo at ang inyong buhay ay patuloy na magpahayag ng kabutihan ng Diyos.

20/01/2024

KAPISTAHAN NG STO. NIΓ‘O | JANUARY 21

Ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Senyor Sto. NiΓ±o sa Pilipinas tuwing ikatlong Linggo ng Enero. Ayon sa kasaysayan, ang debosyon ay nagsimula sa Sto. NiΓ±o de Cebu (Sugbu ang dating tawag) nang ibigay ni Ferdinand Magellan ang imahen ng Sto. NiΓ±o bilang regalo kay Reyna Juana.

Kasabay ng Pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. NiΓ±o sa Inang Simbahang Katolika sa Pilipinas, magkakaroon po ng prusisyon sa ganap na ika-4 ng hapon. Kung kayo po ay mayroong mga imahen ng Sto. NiΓ±o sa inyong mga tahanan, maari niyo po itong dalhin sa araw ng Kapistahan, ika-21 ng Enero 2024, para ito ay mapabendisyunan.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Bay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Bay
4033