Bataraza Rural Health Unit

Bataraza Rural Health Unit

Share

08/02/2026

PABATID❗️❗️❗️

WALANG KONSULTA simula February 9-13, 2026 (Lunes hanggang biyernes) bilang pagbibigay daan sa gaganaping Palarong Panlalawigan dahil magmemedics/ medical on duty ang mga RHU Personnel.

Mananatiling bukas ang Laboraory, Dental, ABTC at Paanakan sa nasabing araw. Mag-iwan lamang ng mensahe sa ating page sa karagdagang katanungan.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Photos from Bataraza Rural Health Unit's post 27/01/2026

Happening Now!
Tara na po sa BTC Function hall (2nd floor food court) at makiisa sa ating blood donation activity 💕

Photos from Bataraza Rural Health Unit's post 19/01/2026

TIGNAN || Bataraza 1st Local Health Board Meeting isinagawa nakaraang biyernes January 16, 2026, 3rd Floor New Municipal Conference Room.

Matagumpay na naisagawa ang 1st Local Health Board Meeting na dinaluhan ng mga miyembro sa pangunguna ni Mr. Valentino D. Palasigue, Acting Municipal Administration sa katauhan ni Local Health Board Chairman Hon. Al-Shariff W. Ibba.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang usaping pangkalusigan tulad ng process flow, qualifications and requirements of CVHWs registration and accreditation, licensing requirements of Primary Care Facility, at Provincial DOH office program presentation.

Nagsagawa din ng Courtesy Call ang Human Resource for Health (HRH) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon at ugnayan ng pamahalaang lokal at ng sektor ng kalusugan.

Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lokal sa patuloy na pakikiisa, suporta, at malasakit ng mga miyembro ng Local Health Board.

Photos from DOH CHD Mimaropa's post 23/12/2025

⭐🎅🏻𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐲𝐚𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬!🎄

🏍️🏎️ 𝐁𝐋𝐎𝐖-𝐁𝐀𝐆-𝐒𝐄𝐓 🛣️🚦

𝘊𝘩𝘦𝘤𝘬 𝘷𝘦𝘩𝘪𝘤𝘭𝘦 𝘳𝘰𝘢𝘥-𝘸𝘰𝘳𝘵𝘩𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦 𝘨𝘰𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘩𝘰𝘭𝘪𝘥𝘢𝘺 𝘵𝘳𝘢𝘷𝘦𝘭𝘴, 𝘳𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘉𝘓𝘖𝘞-𝘉𝘈𝘎-𝘚𝘌𝘛!

⚠️ Brakes
⚠️ Lights
⚠️ Oil
⚠️ Water
⚠️ Battery
⚠️ Accessories
⚠️ Gas/Fuel
⚠️ Self
⚠️ Electrical
⚠️ Tires

𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚:
✅ Siguraduhing sapat ang tulog bago bumiyahe para manatiling alerto sa daan
✅ Magsuot ng tamang helmet at seatbelt para sa ligtas na biyahe
✅ Walang text, tawag, o notification na mas mahalaga keysa sa buhay mo at ng iba sa kalsada

Photos from Bataraza Rural Health Unit's post 01/12/2025

TIGNAN|| WORLD AIDS DAY 2025 | HIV/AIDS at STI AWARENESS SYMPOSIUM Isinagawa ngayong araw December 1, 2025 sa Bataraza Sport Complex, Mini Coliseum

Sa pakikipagtulungan ng MSU 3rd Year Nursing Students, matagumpay nating isinagawa ang HIV/AIDS at STI Awareness Symposium bilang bahagi ng pagdiriwang ng World AIDS Day ngayong taon.

Ang aktibidad na ito ay layuning palawakin ang kaalaman ng ating komunidad tungkol sa HIV, AIDS, at iba’t ibang uri ng STI—kung paano ito naipapasa, paano ito maiiwasan, at gaano kahalaga ang maagang pagpapasuri. 🩺❤️

Maraming salamat sa ating mga speakers, Dra Nikki Ella L. Aguirre at Dra Joan Christia M. Tattao na naghatid ng tamang impormasyon at kaalaman sa mga mag-aaral ng Bataraza National Highschool at Mindanao State University-Bataraza.

Patuloy tayong maging kabahagi sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman, pagtutuwid ng maling paniniwala, at pagsusulong ng zero stigma laban sa mga taong nabubuhay na may HIV.

Want your practice to be the top-listed Clinic in Bataraza?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Municipal Complex, Mabini Street , Brgy. Marangas
Bataraza
5306

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm