One Stop Shop Libjo

One Stop Shop Libjo

Share

27/02/2026

Kilalanin si Ma’am Marietta Perez, isang SIDC Member at Franchisee Owner ng Coop Store, na piniling maging bahagi ng Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC). Para sa kanya, ang SIDC ay hindi lang katuwang sa negosyo—ito ay kaagapay sa pag-unlad ng komunidad.

Bilang franchisee owner, mahalaga sa kanya na may malapit na Coop Store ang komunidad—isang tindahang hindi na kailangang dayuhin, kung saan ang mga mamimili ay nakakatipid at nakikinabang, at may pagkakataong makatanggap ng parehong benepisyo na tinatamasa niya bilang SIDC member.

Negosyong may malasakit, benepisyong ramdam ng komunidad.
Ito ang inspirasyong dala ni Ma’am Marietta sa kanyang Coop Store—serbisyong tapat, abot-kaya, at para sa lahat.

At bilang dagdag na suporta sa kanyang negosyo, nag-avail din siya ng SIDC Cash Loan upang makabili ng mga kinakailangang kagamitan—patunay na may maaasahang katuwang ang bawat SIDC member sa pagpapalago ng kanilang pangarap.

✨ SIDC — kasama mo sa negosyo, kasama mo sa pag-unlad ng komunidad.

Want your business to be the top-listed Food & Beverage Service in Batangas City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


National Road, Libjo Tacad Batangas City
Batangas City
4200