Ms. Rain
"Ako Ay Anak Mo Parin"
Nagbanggaan ang mga salita, walang handa,
Parang may tinig na pilit akong itinataboy palayo sa kanya.
Responsibilidad na parang kay daling iwan,
Iniwan sa akin ang bigat, ako ang kailangang umunawa na naman.
May mga salitang bumura sa aking pangalan,
Parang isang iglap, hindi na ako kabilang sa pinanggalingan.
Ako raw ang kasalanan ng hindi ko ginawa,
Parang ang paghinga ko’y isang pagkak**aling dapat parusahan.
Kasalanan ko bang ako’y isinilang?
Na humawak sa mundong hindi ko naman hiniling?
Hindi ko ginusto ang mabuhay sa ganitong anyo,
Na ako ang sinisisi sa sugat ng kahapon.
Bawat salitang masakit, tinanggap ko na lang,
Kahit puso ko’y pagod na, pilit ko pa ring hinaharap.
Gusto kong lumayo, gusto kong sumuko na,
Pero may bahaging nagsasabing "umunawa ka pa".
Kahit itulak ako, kahit itanggi ang dugo,
May bahagi pa rin sa akin na nananatiling totoo.
Na sa kabila ng sakit na paulit-ulit kong pasan,
Pipiliin ko pa ring magmahal kahit ako ang laging nasasaktan.
“Sa Sariling Anino”
Araw-araw kong pasan ang bigat ng ako,
Mga sugat na likha ng sariling palo.
Sa salamin, ako ang unang titig,
Ako rin ang dahilan ng bawat sakit.
Pinipilit maging buo kahit wasak,
Ngumingiti sa labas, sa loob ay bitak.
Saan man magtago, saan man tumakbo,
Sarili kong anino ang kasunod ko.
Bawat pagkak**ali’y aking binilang,
Parang wala nang tama sa aking tinahak.
Mas madali ang galit kaysa pag-unawa,
Mas sanay saktan ang sarili kaysa magmahal pa.
Ngunit sa gitna ng galit na ako rin ang may gawa,
May tinig na bulong “huwag ka munang sumuko pa.”
Baka sa araw na humupa ang sariling away,
Matutunan kong mahalin ang sarili kong kinamumuhian ngayon.
“Sa Gitna ng Dalawang Pangalan”
May isang damdaming hindi matawag,
Hindi malinaw kung saan nababagay.
Kung kaibigan lang ba ang dapat sabihin,
O may lalim pang ayaw pang aminin.
Sa bawat kwento mong aking dinggin,
May bahaging tahimik na pilit ikinukubli.
Hindi ako umaasa, hindi rin humihingi,
Ngunit bakit ang isip ko’y sa’yo umiikot palagi?
May mga ngiting sapat na ang dahilan,
May katahimikang ako’y napapahinga.
Hindi ko tinatanong, hindi ko sinusubok,
Baka sa sagot, may masira o mabasag na buo.
Kaya sa pagitan ng biro at kamustahan,
Doon ko itinago ang aking kalituhan.
Kung ano man ang tawag sa damdaming ito,
Mananatili na lang sa mga salitang hindi buo.
“Sa Mga Hindi Na Bumalik”
May mga kaibigang biglang naglaho,
Walang paalam, walang kahit anong hinto.
Hindi ko alam kung pwede pang ibalik,
Ang dating samahang minsan kong minahal nang higit.
Sinubukan kong intindihin ang katahimikan,
Baka pagod lang, baka may ibang pinagdadaanan.
Pero habang tumatagal ang pagitan ng oras,
Unti-unting tinanggap hindi na tayo parehas.
Sayang ang tawanan, sayang ang alaala,
Mga pangakong sabay, ngayo’y alaala na lang pala.
Masakit isipin, pero ganun talaga,
Hindi lahat ng kaibigan, hanggang dulo ay kasama.
Kaya sa mga natira, ako’y nagpapasalamat,
Sa kabila ng lahat, kayo’y nananatapat.
Hindi man marami, pero totoo at buo,
Sa inyo ko iiwan ang natitirang ako.
"SA MGA ARAW NA HALOS SUMUKO"
May mga araw na hirap bumangon sa k**a,
Parang ang bigat ng mundo’y sa dibdib ko nakapatong na.
Ngiti’y hiniram lang para di mahalata ng iba,
Habang sa loob-loob ko’y pagod na pagod na talaga.
May mga gabing luha ang unan kong yakap,
Mga tanong sa Diyos na walang kasagutang yakap.
“Hanggang kailan?” pabulong na umiiyak sa dilim at pangamba,
Habang puso’y unti-unting napapagod na sa pag-asa.
Pinilit kong maging matatag kahit durog na ang loob,
Kahit bawat hakbang ay tila ako’y nalulunod sa pagod.
Walang ibang nais kundi sandaling pahinga sa sakit at lungkot,
Ngunit buhay ay di humihinto, kailangan ko pa ring umusod.
At kung may makabasa man ng sugat kong tula,
Alam mong hindi ka nag-iisa sa ganitong laban sa buhay na tila sumpa.
Kung kaya kong huminga kahit masakit at luha’y kasama,
Kaya mo rin kahit mabagal, kahit sugatan, kahit mag-isa ka muna.
~ANG PROBINSYANO~
Ang probinsyano,
Pelikulang pilipino,
Pinanood ko mula noon,
Hanggang ngayon.
Ito'y nagpamulat sakin sa katutuhanan,
Na kahit wala kang kasalanan,
Ikaw parin ay pinagbibintangan,
Dinidiin sa krimen na dimo kagagawan.
Mga opisyal na kurap,
Sinasakop ang kaban ng bayan,
Para sa sarili nilang kapakanan,
At hindi ang mga mamamayan.
Sa ang probinsyano,
Kawawa si cardo,
Pati ang groupo nito,
Damay pati mga inosenting tao.
President oscar hedalgo,
Ginamit nina lili at renato,
Ginamit rin ang jjmong kamukha nito,
Kawawang presidente minaltrato.
Life lends joy on a debt you can never repay.
"What Stayed Unsaid"
You came back like a familiar song,
One I didn’t know I still knew by heart.
I thought the melody was long gone,
Just an echo from a distant start.
We talked like no time slipped away,
Same laughter, the same old tone.
But something shifted when you stayed,
A quiet weight I held alone.
There were words I chose to leave untouched,
Thoughts I folded, kept out of sight.
Not everything that’s felt needs much,
Some things survive best in the quiet.
So I smiled, let the moment pass,
Let it be light, let it be kind.
Some truths are meant to stay where they last,
Safe in the corners of the mind.
You may never know, and that’s okay,
Some things aren’t meant to be revealed.
Not every feeling needs its say,
Some are enough just being felt.
"The Quiet Wounds"
I trusted hands that held my name,
A steady light, a gentle flame.
You swore the dark would never stay,
Yet left me when you walked away.
Your words were silk, your smile was kind,
A perfect place to rest my mind.
But truth wore masks I couldn’t see,
While shadows learned your honesty.
You chose the hush, the hidden door,
A promise cracked along the floor.
I stood where vows were meant to be,
You stood where I could never see.
Now scars speak loud where faith once grew,
A silent cost I paid for you.
I heal, I rise, though torn and bruised,
From broken trust that you misused.
“Yakap sa Sarili”
Sa bawat umagang muling sumisikat,
Puso ko’y pinipiling muling umangat.
Kahit may sugat na minsang masakit,
Ako’y natutong mahalin ang sarili, kahit pa maliit.
Sa salamin, unti-unti kong nakikita,
Hindi lang kahinaan, kundi lakas na totoo at ligaya.
Di man perpekto, pero ako’y sapat,
Isang pusong lumalaban, hindi basta bumabagsak.
At tandaan mo, sa bawat pagsubok na lilipas,
May apoy sa loob na hindi kailanman kukupas.
Hindi lahat ng nagse-self-love ay selfish,
Minsan ito ang daan para muli tayong maging malinis.
At sa proseso ng paghilom na dahan-dahan,
Doon ko natagpuang totoo kong kagandahan.
Sa self-love, mas makikilala mo ang sarili mo,
Kung sino ka talaga, at saan ka patungo.
Ngayon alam ko na hindi ako kulang,
May tinig akong dapat pakinggan araw-araw, matatag at buo ang laman.
At sa bawat hakbang, dala ko’y pag-asa,
Self-love ang magdadala sa akin sa tunay na saya.
Kung may araw mang ako’y mapagod at manghina,
Pipiliin ko pa ring mahalin ang sarili ko, palagi una.
Dahil sa huli, sa lahat ng unos na haharapin,
Ako pa rin ang sandalan ko… ako ang aking magiging tahanan hanggang dulo rin.
“Ang Daan ng Pagiging Ako”
Bukas ng mata ko, may bagong laban na naghihintay.
Hindi laban sa mundo,
Hindi laban sa iba…
Laban ito sa aking sariling panghihina,
Sa mga takot na pilit akong pumipigil,
Sa mga duda na paulit-ulit bumabalik.
Minsan, nadapa ako.
Minsan, parang gusto ko nang sumuko.
Ngunit sa bawat pagdapa, may natutunan akong leksyon,
Sa bawat sugat, may lakas na unti-unting tumitibay sa loob ko.
Self-development…
Hindi ito instant na resulta.
Hindi ito madaling daan.
Ito ay bawat umagang sinasabing,
“Gising, laban muli.”
Ito ay bawat gabing pinipilit mong maging mas mabuti kaysa kahapon.
Ito ay pagyakap sa sarili, kahit sa gitna ng pagkukulang.
Alam mo, minsan, kailangan mong mapahiya sa sarili mo,
Kailangan mong madapa nang paulit-ulit,
Bago mo tunay na maramdaman ang paglago.
Bawat luha, bawat hirap, bawat pagkabigo
Ay binhi ng lakas na balang araw ay mamumulaklak.
Kaya ngayon, pinipilit kong magpatuloy.
Hindi para patunayan sa iba,
Kundi para patunayan sa sarili ko
Na kaya kong baguhin ang aking kwento,
Na kaya kong maging taong may tapang,
Na kaya kong maging pinak**ahusay… hindi perpekto,
Ngunit tunay at tapat sa sarili.
Sapagkat ang tunay na tagumpay,
Ay hindi nasusukat sa yaman, sa titulo, o sa papuri ng iba.
Ang tagumpay, ay kapag tinanggap mo ang sarili mo,
Pinatawad mo ang nakaraan mo,
At nagpatuloy ka, kahit may takot, kahit may pangamba.
Bawat hakbang, maliit man o malaki,
Ay tanda ng paglago.
Bawat araw, pagkakataon na maging mas mabuti,
Higit sa kahapon, higit sa sarili ko.
At sa huli, aking maalala,
Hindi ako nag-iisa sa laban na ito.
Ako ay matatag, ako ay may lakas,
At ako ay patuloy na lalaki.
"Pagsubok"
May mga araw na tila ako’y nabibigatan,
parang mundo’y ayaw akong tuluyang bitawan.
May mga gabing pagod ang puso’t isipan,
na parang sapat na ang huminto at sumuko na lang.
Pero sa ilalim ng lahat ng sakit at luha,
may apoy sa loob kong hindi kailanman nawawala.
Mahina man ang liwanag nito minsan,
pero sapat para ako’y makabangon pa rin kinabukasan.
At doon ko naaalala,
hindi ako ginawa para bumitaw nang madalian.
Ginawa ako para tumibay,
para maging mas matatag sa bawat unos na dumaraan.
Kaya’t kahit ilang ulit pa akong masaktan,
pipiliin ko pa ring lumakad, mangarap, lumaban.
Dahil alam kong sa bawat bagsak na aking nalagpasan,
mas nagiging matatag ang puso kong minsang nanghina.
At darating ang araw,
hahawakan ko ang sarili kong k**ay at sasabihing
“Salamat, sarili…
dahil hindi ka bumitaw....
at dahil patuloy kang umaahon.”
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cabagohan Batad Iloilo
Batad